Duyan

Mga momshies, ask ko lang and hingi ako advice, binilhan ng bayaw ko ng ganitong duyan yung 5 week old newborn ko. Nagwoworry po ako na baka hindi safe kay baby ang ganito kasi baka sa kalikutan nya lumusot sya or any part ng katawan nya sa duyan na to. For me me kasi hindi ako comfortable na gamitin po ito sa baby ko. How about you po?

Duyan
60 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May ganyan din lo ko, 5 months yata siya nung pinagamit ko sa kanya yung duyan nyang ganyan, mga less than 2 months lang nya rin nagamit kasi umuwi na ulit kami sa parents' house ko. Nung una hesitant talaga ako gamitin yan. May advantage and disadvantage kapag may ganyan πŸ˜‚ Advantage: 1. Makakakilos ka ng matagal kasi uuguyin mo lang (may crib din lo ko, dun talaga sya natutulog during day time pero nasa parents' house ko nga, since 2 weeks old siya nagcrib syempre magkatabi kami sa kama nung first week nya, nung mag-4months sya inalis ko na yung parang duyan sa crib kasi nakaka-roll over na sya) 2. Matagal yung tulog nya. 3. 6 or 7m sya nung nalusot ulo nya, napaka-likot kasi tapos kapag nalulusot ulo niya ang lakas ng iyak nya parang tinatawag ka. Disadvantage: 1. Lumulusot yung ulo o any parts ng katawan nya kahit sapinan mo pa πŸ˜‚πŸ˜‚ kumot po ginawa kong sapin tapos tinupi ko kasya comforter kasi masyado malambot yun. 2. Kapag sanay na siya gumulong sumisiksik sya sa gilid o kaya naka-side lying o kaya naka-dapa siya matulog, ending may lulusot na naman πŸ˜… 3. Nakakatakot na gamitin kapag marunong na siya tumayo πŸ˜… 4. Mahirap sya gamitin kapag less than 2months si baby ☹️ I'm sure, you know what I mean.

Magbasa pa

wag mo muna pagamit mums kung nag woworry ka at lalo pa na weeks palang si baby maari talaga sya makalusot jan .. if want mu naman pagamit make sure na my sapin na makapal sa hihigaan nya at lagyan mu ng mga unan or any na pang harang sa mga gilid palibot para di si baby mag gagalaw at mag uuyog sa duyan kapag nagagalaw .. πŸ™‚ or para makampante ka mums mga months mu na sya ipaduyan jan atleast medjo malaki na si baby dont forget lang lagi na lagyan ng makapal na sapin πŸ™‚

Magbasa pa

Binilan ng MIL ko ng ganyan ung firstborn namin. Eh di ako ok sa duyan, ayoko na parang hinihilo ung bata para lang makatulog so hindi ko pinagamit (no offense sa mga gumagamit ng duyan dyan). Saka ang dami kong nakikita na kakilala na pinopost sa fb nila na nakakalusot nga ung ulo, paa, kamay ng baby lalo at malikot na. Nakakatakot e so no no ako dyan..

Magbasa pa
5y ago

Hindi naman po hinihilo, it's more like rocking a baby to sleep imbis na ikaw ang mag hele hele, duyan ang nag hehele sa kanya. Lalo na sa mga stay at home moms na sila din gumagawa ng gawaing bahay, big help ang duyan. Kasi once masanay ang bata na lagi mo sya karga, wala ka ng magagawa, pati pag wiwi goodbye. Hehe.

Safe naman po baby ko one month po nilagayuh ko na sya dyn, para di po laging buhat para di masanay. Pero after nya mag 5 months tinanggal ko na ung sakin kasi di na sya kasya laki kasi ng baby ko like his father kaya ung paa nya nalusot na safe naman po sya pero make sure na nakakabit po sya maiigi para di karin mag worry po

Magbasa pa

Hindi siya safe kasi sa panganay ko yan ang ginamit namin muntik na baby ko kasi nahulog ang katawan niya, ang ulo niya nalang ang nasa duyan, muntik ng mabigti ang baby ko, buti nalang nakita agad ng asawa ko, kasi ako nasa work siya naglalaba that time, buti nalang nakita niya agad

Ganyan sa baby ko, pero ok naman sya. Nilagyan ko ng sapin na pang cover plus unan safe naman sya. Need lang syempre icheck maya't maya si baby. Di naman pwede maiwanan ng matagal ng walang bantay. Impt lang din pag dinuyan sya wag malakas kasi bawal maalog ang baby.

Safe naman dyan c LO mommy sapinan mo nalang para d lumusot..Hirap din kasi ako mag patulog dati gusto laging karga kaya bumili din kami.Nagustuhan ko din kasi ang haba ng tulog nya kapag nasa duyan cyakapag nagising ugoy lang tas balik tulog ulet

VIP Member

for me hindi safe, binigyan ako ganyan duyan never ko nagamit natakot ako don sa kwento ni Ate Mona dati(kasamabahay ng Ate ni hubby) na lumusot daw ulo ng baby sa ganyan hindi napansin ng Nanay ayun sad to say nawala si baby.

VIP Member

Okay naman yan momshie, pero for me hindi sa newborn. Gumamit din km ng duyan nung 4 months na si baby ;) yung sapin dapat hindi mainit. Make sure din safe yung pagtatalian/paglalagyan. Wag masyadong malakas ang pag ugoy πŸ˜‰

VIP Member

delikado. pwede masuot nya kamay nya jan at maipit. e manipis lang balat ni baby pwede masugat agad. meron ako nabasa post dto sa TAP buhok lang pumulupot sa paa nahiwa na balat ni baby. mas mgndang mging maingat ng maaga.