Duyan

Mga momshies, ask ko lang and hingi ako advice, binilhan ng bayaw ko ng ganitong duyan yung 5 week old newborn ko. Nagwoworry po ako na baka hindi safe kay baby ang ganito kasi baka sa kalikutan nya lumusot sya or any part ng katawan nya sa duyan na to. For me me kasi hindi ako comfortable na gamitin po ito sa baby ko. How about you po?

Duyan
60 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ung anak ko pong panganay Hindi po nakaranas ng duyan nung baby pa sya for me po kase mas safe kung nakalapag lang sya sa Kama habang tulog .. Parang delikado po kase ung ganang duyan..

VIP Member

Nagduduyan po LO ko mula 4 mos sya until now na 18 mos na sya. Safe naman basta lagi niyo bantayan at wag iwan nalang. Lagyan mo ng sapin para di lumusot lusot body parts niya.

VIP Member

nkadepende yan sayo mommy kung gusto mong gamitin. if gagamitin mo nmn sya pra sa lo mo pde mo pong lagyan ng kumot or harang sa gilid pra di lumusot ung paa/kamay nya.

Dapat yung nabili po sama yung masinsin na duyan pino yung pag kagawa doon po safe si baby. Kung kayo po mismo sa tingen niyo po hindi safe wag nalang po muna gamitin.

Post reply image
5y ago

Kung napapangitan ka po wag ka po bumili hindi ka po pinipilit. Ang pinaguusapan po kasi dito yung duyan na mas better ang masinsin sa ordinary dahil mas safe si baby. Try mo po iugoy si baby sa crib. 😊

Ganyan gamit ko. Sapinan mo na lang ng kumot na malambot. Yung akin tinahian ko pa ng kulambo sa palibot para di pasukan ng lamok pg natutulog 🤣

Safe po yan. Mg mula 1month baby ko yan na gamit nya. Okay naman at mahimbing tulog. Nakaktrabaho ako kasi walang worry. Basta may sapin lang

Dipende Po Yan Kung Iiwan nyo si baby nang nasa duyan at Hinde nyo babantayan pero Kung babantayan nyo Naman siya Walang Mangyayare

ayoko bumili ng ganyang duyan natatakot ako ksi non kapit bahay nmin nalusot ulo ng baby di nila nabantayan namatay yng bata 😢

Basta may feeling ka na hindi safe, wag. Basta baby matters, dapat sigurista. Trust your instincts. 😉

VIP Member

Ganyan dn po duyan Ng baby ko, new born until now shes 1, year old already. Yan prin gamit nya, maganda nman sya gamitin.