bleeding during pregnancy

Hi mga momshies! 18 weeks preggy here. Nagstart po ako magbleed around 10 weeks. Pero ngayon almost one month nko nag heheavy bleed with blood clots na malalaki po talaga. Na confine na din ako. One day kala ko nawala na baby ko sa sobra lakas ng bleed at dami ng blood clots na lumabas sakin. Pero super fighter tong si baby ko going strong pa din sya.. may madalas na pananakit ng puson at balakang din po ako. Actually diaper na po ginagamit ko kesa sa napkin. Ganun po kalakas ung bleeding ko. Natatakot na din po kase ako. But still hoping ang praying na magiging ok din ang lahat samin ng baby ko. Meron po ba naka experience ng ganito sa inio? Please share... thanks in advance

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis. Kapatid ko sis nakaexperience ng bleeding halos araw araw from 8 weeks niya unti manganak siya. Sabi ng doctor, threathening miscarriage daw. Nakaka 4 na siya inom pampakapit sa isang araw. Pag sobra dugo naglabas nag papaconfine siya. Bed rest lang siya. Di namin alam na pwede pala un. Tapos nung 5 months na siya nalaman na My cervical cancer daw stage 2. Need daw labas baby ng 6 months. Pero sabi nmin try na i7 months para safe naman na. Sa awa ng Diyos na Full term niya si baby. Nag chechemo din siya while preggy. Cs siya since di siya pwede mag labor. Nanganak siya july 7 2019. And healty naman si baby kahit dami gamot at hirap ng pinag daanan.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mumsh, last year nagspotting din ako around 13weeks.. Heavy bleeding talaga na akala ko mawawala na c baby.. Pero sinunod ko ung payo ni ob, complete bed rest lng ako. Nagresign sa work.. Food industry kasi pinagwoworkan ko nun.. Hanggang 26weeks spotting paren kahit na nakahiga nlng ako.. 27weeks hndi na ko nagspotting.. Pero oagdating ng 34weeks ko, nagspotting ako ng fresh blood kala ko manganganak nako. Kasi2-3cm nako.. Pero wala pang leak c waterbag kaya inagapan ni ob.. Puro confine ren ako nun. Pero eto 3months nlng mag1st birthday na ang aking miracle rainbow healthy baby boy :)

Magbasa pa
5y ago

Hi momshie! Anu daw cause bakit ka nagbbleed? Ako din sa ngayon almost 1 month na ngbbleed. And 3 weeks na ko nakabedrest still bleeding pa din with blood clot. Kala ko din nawala na si baby ko but sa ultrasound malikot pa sya kaya healthy daw. Thanks God!

I feel you mamsh! Recently nag bleeding rin ako more than 1week pero maliit lang medjo nakaka scared pag first time mom, Agad ako pumunta sa OB ko, na confine ako dahil my UTI rin ako, at before dun panay mall ako at pag lilinis sa unit ko, at samahan pa ng makulit na hubby nag do kami more than 1hour, Nag bedrest muna ako ng 2weeks walang galawan pero nong monday nag spotting prin ako, Pero ngun wala na ! Binigyan lang ako ng OB ko ng duvillan, Mamsh! Check up kna muna sa OB mo. 28weeks preggy narin ako mamsh 😌 Gabayan tayo ni lord Ameen 🙏🙏

Magbasa pa

If still bleeding mommy at naconfine kana di naman po masama magpa2nd opinion ka muna sa ibang ob nagbleed din ako date gusto ng ob ko non iconfine ako pero since di naman nya alam cause ng bleeding nagpa2nd opinion ako sa ibang ob nalaman na may yeast infection ako at yun ang ginamot ng 2nd ob im 35weeks preggy na and healthy kami ni baby

Magbasa pa

Aku den sis until now di natigil ung bleed pero paminsan minsan Lang naman my nalabas den blood cloth nagpunta aku Sa ob ngpa ultrasound na aku OK naman Si baby healthy nman kaso Hindi nila malaman san ung cost ng bleed kase wala naman nakita sa ultrasound at mga lab test ku haist 😑

VIP Member

Anu daw reason sis ng bleeding mo? Meron ka bang problem sa blood o my placenta previa? Kasi ako nung nagbibleeding ako at 14 weeks placenta previa ang dahilan. Pero di naman umabot ng 1 week at pantyliners lang gamit ko. 6 and 10 weeks nagbleeding din ako pero tig once lang.

same here. pero di naman talaga bleed na sobrang dami. nung first pumunta ako agad sa hospital na i.e ako pero nakasara naman cervix ko. parang spotting lang pero 3times na to nangyari saken. may placenta previa kasi ako. im 7months pregnant.

5y ago

Anu po un placenta previa?

Yes naultrasound nmn ako at ok si baby. Nagwoworry lang ako bakit d tumitigil un pagbbleed ko. Almost everyday may bleeding ako bedrest and umiinum nko ng progesterone, duvadilan at tranexamix ng more than 2 weeks na

5y ago

Dapat mommy yung progesterone sa pwerta nyo po pinapasok para effective ganyan kasi sa akin dati yung nag bleesing ako

Hi ok knba kasi i think ur having a miscarriage. Ano sbe ng ob mo, na utz kna ba at anjan pdn c baby..?

Up! Please share ur story if nagkaganito na kayo. Thanks!