16 Replies

VIP Member

According to my OB, hindi naman sa mahihirapan mabuntis but it will be quite a challenge. I was married Mar2019, I found out I had PCOS both ovaries Aug2019 dahil 2weeks delayed ako and negative ang PTs ko. She made a 3months program, pinainom nya ako ng meds and pills for 3mos. If magkaroon daw ng improvement yung PCOS ko adter 3mos, pwede nako magstop ng pills, then take new vitamins and finally magtry magbaby. But if wala pang improvement, then another 3months program. Luckily, Dec2019 maganda response ng meds at pills sa condition ko at nagimprove ng sobra yung PCOS ko. So she gave some vitamins and her go signal na magtry na kami magbaby. She advised us when to do it and make sure na hindi kami stressed pareho.. Feb2020 pregnant na ako.. 🙂 So it would really be a great help, if magpaconsult at magpaalaga ka sa OB mo specially of you have PCOS and wanting to have a baby para narin sa health mo and to have a safe pregnancy in the future..🥰

hello po anong medication po ang ni take mo for PCOS?

Started taking these meds on September 2019 - metformin 2x a day. - fern D (60caps) then myra E ultimate until I got pregnant. - Glutathione (not everyday) - Folic acid Got married on December 2019 Got pregnant on January 2020 And I'm 35 years old. Also they say that have sex on wee hours in the morning because the woman is not stressed and the man has high testosterone levels during that time. Oh. And I can't take pills because my family has a history of cancer kaya metformin ang iniinom ko para ma-regulate ang period ko. 😊 Good luck!

VIP Member

I don't see pcos as a Problem na mag dudulot ng mahirap na pag bubuntis. I had PCOS last August lumabas sa result ng Transv etc. Sabe both ovaries meron and may primary endometriosis pa. So ang ginawa ko po nag pills ako as per the OB. then disiplina sa pagkain. Sabe after six months ng pag pills mabubuntis na daw ako hahaha isang buwan palang ng pag pills ko, nabuntis na ako. I'm 5 months pregnant na po. Tamang disiplina Lang po sa pagkain. Excersice daily and pray. God bless ♥️

Mahirap po di po madali pinagdadaanan ng mga may pcos.Like me it takes 7yrs to concieved. D ko rin sinunod si Ob na mg pills at metpormine ang ginawa ko,ngpaka busy ako sa life ng aral ng midwifery just to research how to bare a child tas healthy living ako after graduation 6mos din yon. Diet po cut ang sugar and carb. Ang gusto ko lang non is medjo mg reduce pero sa awa ng panginoon ng normal po cycle ko and ngaun currently 36wks 😊 pcos fighter po ako sana kayo din.

Hi. May PCOS po ako. pero ngayon buntis ako.. dahil cguro sa quarantine, hndi ako stress, ung mga food na kinakaen ko laging lutong bahay.. healthy living in the past months. tas hndi puyat..last 2yrs ko pa tintry mbuntis..ngayon sa wakas nangyare na.. wag paka stress at iwas sa mga unhealthy food.

Hi mommy. Yes po. Ako po pcos po both ovary pero nag pills po at gym. After ilang months right ovary nalang kaya ngayon po buntis po ako. 9 months na. Hinihintay lang na lumabas si baby. Pray lang po mommy at healthy lifestyle. Exercise, and kung pwede diet.

VIP Member

pa.alaga ka sa OB mo if gusto mo na mabuntis. Reresitahan ka ng pampa ovulate. Ang hirap lang naman sa PCOS is hindi regular ang period so hindi din regular and ovulation. PCOS ako since HS. Thank God, nabuntis din naman ako agad 7 months after I got married.

Ako my pcos din both ovaries. Ginawa ko nag keto diet ako hanggang mag loose ako ng weight then napansin ko regular na period ko then ayun na buntis nako after. 20weeks nako now. Dasal lang tlga kung para syo, ibbigay ni lord kht my pcos ka. 🙏💕

Yes, Pero alaga lng talaga :) Both Ovaries ko may PCOS sis. Tas inom lng ako ng Pills(Diane35) Gamit ko, ts un na stop ko lng sya last nov.2019 buntis agad ako ng walang ka malay2. hehehe so think positive :)

Hi momsh. May PCOS din ako sa right ovary. May endometriosis sa left ovary. Di ganun ka healthy lifestyle pero nabuntis ako. At ngayon 4 months na si baby :) Pray at try lang ng try.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles