1 Replies

Try niyo pong magpa-check up sa OB niyo po. Ako po kasi, na-experience ko din po na may lumabas po sa akin na tubig nung buntis pa po ako, nung 7 months pa lang po yung tiyan ko nun. Akala ko po, panubigan ko na po yung pumutok nun kasi, sobrang dami po ng lumabas sa akin. Basang-basa po yung suot kong panty, cycling at bestida po nun. Ilang beses ko din pong inamoy nun yung suot ko, pero, hindi po siya amoy malansa o amoy mapanghi. Tapos, naka-apat or limang hospital po yata yung pinuntahan po namin nun para makasigurado pong okay lang ako at yung baby ko. And thank God, okay naman ako nun especially yung baby ko nung nasa tiyan ko pa siya. Marami pa daw po akong tubig nun. Pero that time po, hindi naman po sumakit yung puson ko. And wala naman po akong sakit na naramdaman nun. Basta po, momshie, try niyo na pong magpa-check up para makasigurado po kayo. Take care po nd God bless! 😇 PS. First time lang Mom lang po ako. And sinabi ko lang po yung naexperience ko or nalalaman ko para kahit papaano po, makatulong ako sa inyo. I've been there and I know the feeling. ☺

Aww. It's sad to hear po. Sobrang hirap nga po ngayon lalo na po na-extend pa po yung ECQ hanggang April 30. Pero mabuti na lang po hindi na naulit pa yung nangyari sa inyo. Basta po, ingat po kayo palagi ni baby. ☺ God bless po. 😇

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles