When is the best time to take Obimin Plus?

Hi, mga Momshie! Pa-help naman: Kailan ang best time to take Obimin Plus? Nagtry na ko inumin itong multivitamins + folic acid every morning afternoon at night, kaso tuwing umiinom ako, parang sinisikmura ar nasusuka na ko after mga ilang minutes. Bakit kaya ganun? Sa ibang vitamins ko naman hindi.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Every morning sa akin. Before ganyan din ako. Sinusuka ko din sya. Inistop ko sya ng 2 weeks w/o telling my OB. Pero ininform ko na din sa kanya later on na instop ko kasi nasusuka nga ako. Ok lang naman daw sabi nga nya after 1 month saka ako uminom. Pero kinabukasan, sinubukan ko ulit, after breakfast inom then may nakahanda na something na pwede papakin para mawala lasa. Warm water pa nga gamit ko or lemon water. Hanggang sa nasanay na ako sa paginom sa kanya. Pigil hininga lang hehe. At hindi ko na sya inaamoy bago inumin kasi talaga masusuka ka. Pagka open, diretso agad inom. Hehe

Magbasa pa

Obimin din vitamins ko. Iniinom ko lng yung obimin bago ako maglunch kasi kung umaga ko sya inumin nasusuka ako, para matunaw muna yung mga kinain ko ng breakfast then kumain ka ng candy para d ka nssusuka.

Nagstop muna ako niyan kasi lage ako sumusuka saka naninigas ung upper tummy ko, parang 1 month ko lang sya tinake then pinastoo ni ob, bakik folic muna ako.. 14 weeks preggy

Obimin din iniinum ko. Minsan lang naman ako nasusuka pag may naamoy ako di maganda lalo nat kaainum ko lang, ginagawa ko minsan candy din more water. 😂😂

VIP Member

Same here, now sa bedtime ko sya tinatake at ayun success hndi nko sumusuka. Kung hirap ka po na kunin yung trick, papalitan yan ng OB mo.

VIP Member

Nung nakaobimin pa ako i take it immediately before lunch para mapush ng food. Otherwise para siyang bumabalik sa lalamunan ko.

Ganun po talaga effect ng obimin plus.. I am 25-weeks pregnant and I still vomit everytime I drink it. 😊

VIP Member

Ganyan din ako pag iniinom ko siya. :( Im 11wks preggy kada iniinom ko sya sa gabi maya maya isusuka ko na rin. :(

Mamsh ako ginagawa ko bago matulog yung antok na antok na ko.. Kase ganyan din ako nasusuka ako.

28 week nako sa morning kona tina-take ang obimin. dati sa gabi ang vitamins.