labas lng ng sama ng loob...???
Hello mga momshie.. Ofw po ako for 5 years. Umuwi po ako last May and nabuntis ng long termed boyfriend ko. Umuwi po ako ng Pinas nung August lng para dito manganak. Feb ang due ko. My bf and I had this on and off relationship for almost 19 years. I know naman po na we truly love each other. Pero ba't ganun ang feeling ko lahat na lng sa akin nya inaasa. The moment na umuwi ako,lahat ng gastos para sa prenatal, medicines, lab and mga ultrasounds sa akin lahat. Di po kmi nakatira in one house. During weekend lng po ako pumupunta sa bahay nila. Wla naman problema sa family nya. Tanggap naman po ako nila from the very start. Si BF po kasi may pagka mama's boy. Lahat ng sweldo nya sa bahay ng parents nya napupunta. Nung una hinahayaan ko lng kasi iniisip ko na kaya ko naman suportahan lahat ng needs namin ni baby. But time passed by naisip ko na unfair naman sa part ko and unti-unti na nauubos savings ko. Im a type of person na takot mag confront sa bf. Ayoko ma misinterpret nya ang rant ko. Pero nakakapagod na din umitindi. Gusto ko na syang hiwalayan. Feeling ko ksi nag iisa lng ako sa new journey na ito... ???