Stress sa LIP
Hello Mommies! Been stressed lately since pareho may mild pneumonia yung anak ko. Napapaisip ako if ok kung makipag hiwalay nlng ako. I have a LIP since 2015, at first okay naman sya as a provider. He can provide for both of us as bf-gf . I have work dn naman and i have my own money. But when I gave birth sa eldest ko, napansin ko sa kanya is naging lenient sya. He lost his job, he managed to find new ones pero maliit yung sahod so inaalisan dn nya. Its a repeat cycle for 6 years. May times p n mas matagal sya walang work kesa meron. So since di stable ung income ni LIP, napasa sakin yung finances. I paid for almost everything. May binibili sya grocery good for 1week lng. Nanganak ako, na CS sa 2nd ko, we had to do 50-50 pa. Kasi wala nga sya savings. I started to have this hatred towards him. D ko na maatim titigan sya. 6 years na ganun yung style nya. I've been vocal to him, lagi ko sinasabi di dapat ganito set up namin. Na ako lng naiiwan sa lahat ng gastos sa bahay. Kahit pareho kami nagwowork,d ko nakikita sahod nya as in. Bumibili sya 1 week na food lng ng dalawang bata, then ibang sahod nya pinambabayad ng utang nya. D ko habol yung sahod nya pero sana gawin nya ung part nya as tatay as head of the family and provider. Nakaka drain po kasi, we equally share the same responsibility sa pagaalaga sa mga bata pero pagdating sa pag provide kahit ng basic needs hindi nya mabigay. Kahit ano reklamo and paguusap gawin namin, wala nangyayari. Ayaw nya maghanap ng way to address yung problema ko sa kanya. Pinahuhupa nya lang galit ko then back to normal sya, parang wala natinig. Gusto ko na sya hiwalayan pero ayaw nya umalis dahil daw sa mga bata. Pero d ko n talaga kaya. Masama pa ba ako neto? I waited yearssss para magbago sya, pero d daw sya sinu swerte pero ako na kasama nya sa bahay. Alam ko naman wala sya effort tlaga. Sinasabi lng nya di sya sinuswerte pero d kasi ako naniniwala sa swerte e. I only believe sa hardwork and dedication.