ihi

Mga momshie, normal lang po ba na panay ang ihi ko siguro every 5 mns. naiihi ako natatakot ako kasi yung tita ko namatayan ng baby dahil naubusan sya ng tubig sa tyan panay ang ihi nya din daw nun kagaya ng nangyayari sakin. I ask my ob last check up ko sabi nya lang sakin normal naman daw po pero nagwoworry po ako nakakapuno po kasi ako ng isang arinola sa buong magdamag lang po yun. 38 weeks and 3 days na po ako. Salamat.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isa sa mga karaniwan sintomas yan ng pagbubuntis - madalas na pagihi. Dahil sa hormones, mas marami dugo dumadaloy ating pelvic area at kidneys kya mas aktibo ang pag function niya at dahil na din sa lumalaking uterus, naprepress niya ang mga ito. Mas nararapat na panatilihin hydrated tayo mamsh para maiwasan ang uti o ano mang virus o bacteria. 😉

Magbasa pa
VIP Member

Baka sis panubigan nya yun na di nya namamalayan kaya maging sensitive ka sa nararamdaman mo. Nasta mag ingat ka at laging active pag magpapacheckup. Much better kunin mo number ng ob mo para maititext mo sya pag may nararamdaman kang di maganda or napapansin.

VIP Member

That's normal sis, bigyan kita nang tip kapag may lumabas sayo na fluid malalaman mo na ihi yon kapag napipigilan mo sya, kapag tuloy tuloy parin patak kahit pinapigilan mo amniotic fluid na yun, punta ka na sa o.b kapag ganun

VIP Member

Normal lang po yan.Pero dapat iinom ka din ng maraming tubig.Kase sabi din ng OB ko minsan nauubusan na ng tubig hindi alam ng mga buntis,kaya dapat inom daw lagi ng tubig

normal lang yan momsh ganyan dn ako nung malapit na ako manganak kakagaling konlangbng cr naiihi nanaman ako haha..basta drink kore water nalang dn

Same po tayo , pero normal po lahat sakin marami pong tubig ang baby ko at pagkakaihi ko po kaagad ako nainom ng tubig

Its just normal mommy. Ang importante, lagi ka umiinom ng tubig. Yung kada ihi mo, yun din inom mo ng tubig.

normal lang sis na ihi ng ihi kasi naiipit na pantog at that stage. basta make sure to rehydrate.

Normal lang po yan sis. Basta inom ka agad water after mo umihi para mapaltan agad yun inihi mo.

Pigilan mo lang kgaya bang sakin pag napigilan mo na nwawala na yung pag iihi mo