No work si hubby

Hello mga momshie. Need ko lang talaga ng advice. Si hubby kase wala padin work until now. Smula nung nabuntis at sa nanganak ako, wala talaga syang gastos puro ako sumalo lahat since ako lang may work at nagaaral pa sya. May mga nagastos naman sya like pambili ng crib, cabinet ni baby at higaan ko and 4 diapers ni baby pero aside dun wala na talaga. Naka mat leave din ako ngayon kaya yung pera kong naipon si from mat sss ko lang. Nung umuwi yung papa ni hubby last month nagbigay sakin ng 15k pang gastos ni baby feel ko yun na yun. Ewan ko ba kung makapal lang muka netong hubby ko pero parang di sya gumagawa ng paraan para makapag bigay sakin ng pera lalo nat andto din kame nakatira sa bahay namin kaya nagbibigay din ako ng pangkain namin sa mama ko, allowance and pang bili ng gamot ng mama ko. Pag nakakakuha sya ng pera, pinang ffoodtrip nya. Ewan koba di nya ba maisip na magbigay sakin? Mga mamsh tingin nyo ba nakampante sya? Dko alam kung pano ko sya iccomfront kasi pati magulang ko napapansin na yung pagiging batugan nya. Ayoko naman mag away kami kasi madalas ko na syang nasusungitan dahil sa gantong set up namin. 😔😔

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan ang ex husband ko wla kaming anak nilayo ako ng Diyos sa more n pag durusa, nag abroad kmi sinagot ko n lahat lahat ending tamad mag apply ng work kung mag ka work man saglit lng, daming sakit at dahilan, ending iniwan p ko at nambababae pa kahit na from head to toe sinagot ko na, kasal nba kayo? Sana hndi p kasi mas mahal magagastos mo like me but it was never too late, naayos ko n papers namin, now i got a man n hindi ko kailangan mag dalawang salita he gave me and our soon baby too much we could ever ask, palagi ako nag papasalamat sa Diyos n nilayo ako sa more na sufferings physically, emotionally and most of all financially. Nakakaubos ang lalaking ganyan walang sense of responsibility sa katawan. Ang lalaking mahal ka hindi ka hahayaan n mahirapan mag isa, he will protect ur inner peace, gagawa ng paraan igagapang kayong mag ina, mag sisikap para sa kinabukasan niyo. Sad to say malas ka sa tatay ng anak mo pabigat n nga makapal pa ang mukha, habang buhay ka mag hihirap pag ganyan klase ng lalaki ang kinakasama mo. As early as now protect urself and most of all ur child.

Magbasa pa