No work si hubby

Hello mga momshie. Need ko lang talaga ng advice. Si hubby kase wala padin work until now. Smula nung nabuntis at sa nanganak ako, wala talaga syang gastos puro ako sumalo lahat since ako lang may work at nagaaral pa sya. May mga nagastos naman sya like pambili ng crib, cabinet ni baby at higaan ko and 4 diapers ni baby pero aside dun wala na talaga. Naka mat leave din ako ngayon kaya yung pera kong naipon si from mat sss ko lang. Nung umuwi yung papa ni hubby last month nagbigay sakin ng 15k pang gastos ni baby feel ko yun na yun. Ewan ko ba kung makapal lang muka netong hubby ko pero parang di sya gumagawa ng paraan para makapag bigay sakin ng pera lalo nat andto din kame nakatira sa bahay namin kaya nagbibigay din ako ng pangkain namin sa mama ko, allowance and pang bili ng gamot ng mama ko. Pag nakakakuha sya ng pera, pinang ffoodtrip nya. Ewan koba di nya ba maisip na magbigay sakin? Mga mamsh tingin nyo ba nakampante sya? Dko alam kung pano ko sya iccomfront kasi pati magulang ko napapansin na yung pagiging batugan nya. Ayoko naman mag away kami kasi madalas ko na syang nasusungitan dahil sa gantong set up namin. ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tssk ganyan yung dating asawa ko uy uy iwanan ko nga until now wala pa din work nung nagsasama kami at nagka anak hanggang mag hiwalay wala pa din work. Ilang years na. Wala mangyayare sayo mii pag pag ganyan pa din yan ng ganyan. Habang maaga pa mag disisyon kana di pwede ang ganyan lumalaki ang anak mo. Kami dati iniaasa sa retirement pay ng papa nya uy uy kung ako eh naghintay doon sa sinasabi nya baka dumami pa anak ko at di ako napunta sa tamang tao. โœŒ๏ธ Mula ng nagsama kami ako ang taya lagi hanggang sa mabenta ko bahay ng parents ko. naghiwalay kami ni piso wala man lang suporta. kapag nabibigatan kana pwede kanaman mag baba ng dalahin. Nag asawa ka para may ka tuwang ka sa buhay hindi para gawing impyerno ang buhay mo. mag isip ka mii ๐Ÿ™‚. Wag ka sana magaya sakin. Nakkasawa yung ganyan pag uugali laging petix nalang. kausapin mo pa din ng maayos baka mahilot mo pa. malay mo mag banat na ng buto. kamo eh paano yung pang araw araw di pwede na lagi kayo aasa lalo na at may maliit kayo tapos habang lumalaki ang bata tumataas din ang bilihin.

Magbasa pa