pwera usog?

hi mga momshie, naniniwala po ba kayo sa usog??? pinapalawayan niyo ba mga baby niyo pag my bisita or my bumabati?? totoo ba yun?

76 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ako naniniwala sa usog dati until nausog yung panganay ko. Nagbakasyon kasi kami sa province ng lola ko and since maputing maputi talaga yung baby ko, kutis labanos daw (1yo sya that time), ang daming bumabati sa kanya. That night suka sya ng suka. Natatakot na kami ng husband ko kasi namumutla na sya. Dadalhin na sana namin sa hospital. Sabi ng matatanda baka nausog daw. Nilawayan sya, ayun nagstop pagsusuka nya. As in, instant. Nagkakulay na pisngi at lips nya na akala mo walang ngyari. Sobrang freaky and scary but ever since lagi na ako nagsasabi ng pwera usog and pinapalawayan ko mga anak ko. Ayoko na maulit yun πŸ˜₯

Magbasa pa