Gusto ko Lang malaman opinions ninyo.

Mga momshie, Naniniwala ba kayo tungkol sa aswang?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dati di kami naniniwala. pero once you experienced, sobrang creepy ng feelings. lalo yung asawa ko di naniniwala talaga. lagi kc siya stay in sa work. One time (saturday night/dayoff) kasama ko siya matulog, 7 months preggy ako nun sa 1st. baby namen. 12nn na ng gabi, bigla may umaapak na mabigat sa bubong namin, which is yung part pa naman na fiber, ginawa ni hubby hinampas nya uung bubong kung saan namin naririnig yung apak, juskoo lalo nagalit, parang lalong kinakalkal tunog kuko or matulis na bagay yung bubong namin, parang gusto butasin. mula nun naglagay na kami ng mga pangontra, Nung sa 2nd. pregnancy ko naman. dun kami nakastay sa 2nd floor ng bahay namin, gabi na nun, nagkkwentuhan kami nila ate at mama, nagulat kami kay mama biglang tumayo at kumuha ng asin hinagis sa bubong, narinig namin biglang may kumaripas ng takbo sa bubong dun nanggaling sa pwesto kung saan naghagis si mama ng asin ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ฑ Now naman po, sa pang 3rd. pregnancy ko, kabuwanan ko na. juskoo may pusa ditong malaki samen, na dati naman naming hindi nakikita dito, ang creepy nya kc sa gabi lang namin siya nakikita tapos ang hilig nya sa tapat ng pinto namin huminto tapos tititig saken... pero sabi ni mama kapag nakaka experience daw kami ng mga ganyan especially kapag buntis, wag daw ipapakita na takot ka. its either murahin or ipakita mong dika takot at lalabanan mo siya, mas matatakot daw sayo yun. ganun naman ginagawa ko. nakakapaglaba pa nga ako magdamag sa labas namin ng ako lang mag isa ๐Ÿ˜… skl po ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa