Anong dapat kong gawin..

Mga momshie hingi lang po ako ng advice about sa mama ko. 2 weeks palang po ang baby ko at dito po ako nakatira kayla mama hindi kami live-in ni bf. Ngayon siya po ang nag aalaga kay baby kasi wala siyang tiwala sakin pagdating sa pag aalaga. Minsan hindi ko nakakarga ang baby ko. Pinapamukha pa niya na lagi akong mali at wala na akong nagagawang tama pagdating sa anak ko. kaya gusto ko na lang magwork na ulit kahit 2weeks palang since na CS ako para may magawa naman ako para kay baby thru financial. Pati Breastmilk ko tinatapon niya, manual pump ako hindi niya pinapa latch si baby sakin dahil wala rin siya tiwala na healthy ang breastmilk ko. formula si baby. Wala na akong nagawa para sa baby ko lahat na lang mali lalo akong nastress feeling ko wala akong kwentang nanay.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit di mo kausapin si mother mo na hayaan ka niyang magalaga sa anak mo. Alalay lang siya sainyo, ikaw pa din yung ina. Mas ikaw kailangan ng anak mo. Grabe naman kasi, naging nanay din siya. Sana hayaan niyang gampanan mo din yun sa sarili mong anak.

Feeling ko po meron galit yung nanay mo sayo kaya nya yan ginagawa. Kung kaya mo naman, bumukod ka na/kayo ng bf mo. Kasi mali eh.. crucial ang first weeks/months ng newborn. kailangan masanay sayo ang baby mo.