Ask

Mga momshie diba pag unang prenatal naga inject sila anti tetanus? Bakit nung nagpa prenatal ako di nag inject yung ob ko. Tapos pag 3months to 4months normal lang ba yung tyan na di pa masyado lumalaki? Yung parang busog lang ako. Naninigas lang pag tapos ko kumain pero pag wala laman tummy ko parang di lang ako buntis, excited na kasi si hubby makita tyan ko :(

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa anti tetanus depende po sis. Usually daw sa center 2months palang iniinjectan na nila agad. Sa iba naman po 6 and 7months nagiinject. Atleast 2x. You can ask your OB naman po ahead kung ano yung mga ipapagawa niya or ibibigay niya sayo throughout your pregnancy and mga price ng procedures para ready din po kayo. that's what I did nung 5weeks preggy ako tinanong ko na agad mga procedures and magkano at inexplain naman niya sakin, mga bawal at pwede kong gawin/kainin, even mga pamahiin para I don't have to worry din kung pwede or bawal. 😊 you can always talk to your OB. And dun naman sa tummy, iba iba po talaga laki ng tummy bawat buntis as long as ok ang size at weight ni baby sa loob nothing to worry naman.

Magbasa pa

Sakin po 20weeks 4days na di pa din po ako sinasabihan ni dra. Na iinjectionan nya o need ko ng anti tetanus. Di ko naman tinatanong pa pero next month balik ko june 24 eh, Pag di pa din nya ako sinabihan ako na siguro magtatanong. Sabi po kasi ng nanay ko pag ftm 2x tuturukan eh

One dose of Tdap vaccine is recommended during each pregnancy to protect your newborn from whooping cough (pertussis), regardless of when you had your last Tdap or tetanus-diphtheria (Td) vaccination. Ideally, the vaccine should be given between 27 and 36 weeks of pregnancy.

7 mons (T1) & 8 mons (T2) Magkakaiba po talaga ang pagbubuntis. Same as magkaiba rin ang laki. If 1st mom po kayo, at slim, for sure maliit po talaga ang tummy. Pero minsan at around 6mons to 7 medjo lalaki na yan. Kaya no worries Sis, enjoy your pregnancy.

Sis 37weeks na ako,private ob/hospital walang anti tetanus. Sabi ng OB ko if sa center or lying in and public required nun. Kahit mga OB ko sa Medical city ganun din. If hnd ka nabigyan during pregnancy baka after manganak ka turukan nyan pwd naman eh.

5y ago

Yes sis gnun kasi sa ate ko after na nya manganak naturukan. Private hospital kasi kmi

ako nagpunta sa health center para mabigyan nadin ng anti tetanus kasamaang palad hinimatay ako sa pila sa sobrang init.ayun hnd ako ininjectkan hahaha kc nawalan daw ako malay pag balik ko nalang daw after ng lab ko hehehe

VIP Member

ako po na injectan 4 mos na. kasi una kong prenatal sa clinic 7 weeks palang ako wala naman tinurok., 2nd 13 weeks na. wala padin tinurok ob, and clueless dn ako na may ganun pala ... kaya isa lang turok sakin, :/

VIP Member

Sinabihan na ako nung OB ko na 6 months I need to have my anti-tetanus shot. 5th month ko next month at flu vaccine daw ituturok niya sa akin. Ask your OB about the vaccines na kailangan mo sis.

As long as wala problem kay baby sa loob ng sinapupunan no need to worry po momsh. May mga nagbubuntis talaga na maliit lang ang tummy. Eat healthy & enjoy the journey. Godbless you! 😇

VIP Member

Wag po tayong magmadali, Mommy. Lets enjoy our pregnancy journey with our little one. Anti Tetano usually sa 5th to 6th month binibigay yan. Paglaki ng tummy, 5th to 6th month. ☺️