5 Replies

Gingivitis po yata ung tinutukoy mo. May lumalabas ba na dugo pag pinipisil mo o pag nag tooth brush ka? May ganyan din ako before bago ako magpa braces. Pina cleaning ko lang tas nawala. Ilang years kong suot yung braces ko, nagka gingivitis na lang uli ako netong nabuntis ako. Normal lang naman daw talaga sya sa mga buntis sabi nung dentist ko nung pinatanggal ko braces ko. Cleaning lang solusyon dyan. Kung mawawala naman sya after manganak which is dto ko lang nalaman, nasasayo na yun kung mahihintay mo. Kaso ang uncomfortable kasi nyan e. Nakaka baho rin kasi ng hininga kahit wala namang bulok na ngipin.

May ganyan din ako ngayon sis, akala ko ako lang, di ko pa napapacheck sa dentist wala pa budget. Nagpost din ako dito ng ganyang issue, sabi ng isang mommy cleaning lang daw need ng ganyan. And mawawala naman daw po pag nakapanganak na. Nagulat nga ako sis kasi hindi naman sumakit ipin ko tas may tumubong bukol parang namaga, gang ngayon di nawawala mag 1 month na kahit galgalin ko ng toothbrush di naman sumasakit nagbbleed lang.

Hindi po kasi nasa gilid sya malapit pa sa ilalim ng dila kaya late ko na napansin nung nagtinga ako haha tsaka malambot po sya.

VIP Member

Nag ganyan di sakin. Naka chain ako nun nung nag start mamaga. Kaya pinalitan ng dentist ng wire. Prone daw sa gingivitis lalo pregy. Advice niya 2 or 3x a day mag toothbrush

Huh first tri ko po 3 oral surgeries ginawa sakin ng dentist ko na kapatid 😂✌️ pwede naman eh

San banda ba sa dulo? Luh baka molar tooth lang naman uan jusko

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles