221 Replies

Naku, mahirap yan momshie. Ung ex ko dati ganyan eh, friend nya ex nya sa facebook, okay lang naman sa akin nung una, kaya lang juice ko naman lahat ng selfie nung babae nila-like at kinocommentan pa. Nung sinita ko, wala naman daw ibig sabihin un. Eh nung chineck ko ang activity log ng fb nya (di ko ugali makialam ng fone pero grabe na kasi) hala! Maya't maya ang pag sesearch at pag check sa profile ni ate gurl! Wala pa rin daw talaga un, friends lang daw sila (magkasama sila sa work, btw), nag break at nagkabalikan kami ni ex (tanga lang ang peg ko, feeling ko kasi nun wala na magkakagusto sa akin, 5 years kasi kami ni ex). Anyway, matagal na kaming hiwalay at may family na ako ngayon. Blessing in disguise pala ang pagiging babaero ni ex. Hahaha bakit kasi kailangan pa i friend sa fb kung ex na?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles