raspa

Hi mga momshie advice lng po 7 week pregnant po pero sabi ng OB q wala heartbeat c baby, sabi ng OB q need q mg paraspa & how much ang cost ng raspa?any advice

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sa hospital sis. Depende din po sa procedure ng raspa na gagawin sayo. Tsaka kung magkano po ang PF ng OB-gyne at anaesthesiologist. Sa akin po before nasa 48k po yung bill namin less philhealth na po yun. vacuum po kasi ang ginamit noon for d&c at na confine po ako ng isang araw. Meron daw kasi yung iraraspa ka na after ng procedure papauwiin ka din.

Magbasa pa

ako nga noon sis, 8 weeks nun naramdaman ko hb ni baby ehh... all the time na khit wala ako marinig, basta alam ko andto sya sakin, safe at good health nman ako.. magiging ok lng sya.. think positive momsh 😘

VIP Member

Wala pong babayaran sa public..kung wala po kayong Philhealth, may indigency philhealth po na available sa hospital. Naraspa na din po ako sa 1st pregnacy ko, 7weeks din, hindi sya nabuo.

second option mgpatingin sa ibang doctor Ang raspa Yun Yung pinababahayan na NG Bata habang lumalaki. f nakunan kailangang linisan NG kakacause NG lason sa loob gawa NG bka may naiwan pa

VIP Member

Ibig sbhin dead c baby pag snsbi nila na iraspa kana pra lang po yan sa mga nakunan na kaya dapat qha ka ulit ng another doctor na titingin sau kung tlga need kna iraspa..πŸ‘πŸ»

Pang ilang tvs mo na ba yan? If first pa lang baka naman late development lang si baby or mali ka ng bilang. Wait after 2weeks then repeat tvs baka may hb na

VIP Member

Raspa agad momsy ? Ako nmn 5weeks & 6days nun baby ko sa tummy wla dn heartbeat tapos pinag intay ako nang 2 weeks pag balik ko meron nang heartbeat

sis magwait ka po muna siguro pa2nd opinion ka.. kasi ung sa iba na nabasa ko pinababalik sila ng ob nila after 2 weeks pra icheck ulit yung heartbeat

VIP Member

mga 8weeks pataas minsan na dedetect heartbeat ni baby. kaya wag po muna kayo agad mag pa raspa. pa second opinion po muna kayo para sure po😊

Akin 6 weeks palang may heartbeat na pero medyo mabagal pa kase nag dedevelop pa lang daw. Much better pa second opinion ka :)