Nakabuntis ng iba habang buntis ka

Hi mga momsh..gusto ko sana ishare ang napakalungkot na 2020 ko.. While i was pregnant nakabuntis ng ibang babae yung bf ko.. Habang buntis ako ramdam ko na may iba na sya pero dahil ayoko mag pastress at ayoko maapektuhan ang anak ko sa tyan ay hindi ko nalang pinansin.. Ang sabi ko sa sarili ko pagkapanganak ko nalang ikukumpirma.. Pero huli na pla ang lahat nabuntis nya na yung babae.. Sa araw ng panganganak ko 1 month na buntis na yung babae.. Ngayon yung bf ko gusti nya daw buohin yung pamilya namin at magbabago na daw sya.. Pero gusto nya suportahan yung panganganak ng babae.. Sabi ko financially sige suportahan mo.. Pero yung babae ang gusto panagutan sya at ibahay sya ng bf ko dahil kahihiyan daw sa pamilya nya.. Sana naisip nya yan bago nya pinatulan yung bf ko.. Sana nagkaron sila ng kahihiyan.. Ngayon kami ng anak ko ang gustong makasama ng bf ko pero hindi ko na magawang magtiwala pa.. Pero para sa anak ko kinakaya ko yung sakit magkaron lang sya ng ama..

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I have a slight same scenario. We broke up Sept, pero nagkabalikan kami ng Nov. Dec 2020, dumating yung bestfriend nya saying na buntis sya and yung bf ko yung tinuturong ama. Well nagkita sila sa bday party ng kaibigan nila and that was Oct. Mga lasing at di daw alam na may nangyari? (Ano yan, teleserye? LOLS) Then coming January, nalaman ko na 1 month pregnant na din ako. Super stressed, pero I know na wala naman akong karapatan magalit dahil yung time na yun eh wala naman kami. Ngayon since matinong lalaki naman tong bf ko, he made sure na binibigyan nya or tinutulungan nya yung babae every month for check up. He even told his family about it. Ngayon yung babae ang kapal ng mukha, akala mo sya pa yung inaagrabyado. Tapos puro sulsol pa sa pamilya ng bf ko. Nagsama pa sila ng Nanay nya. Her mom even texted my bf saying na walang kwentang tao, duhhh kung walang kwentang tao to, di na to para papuntahin ang parents nya sa bahay nila para makipagusap. At para aminin na kanya yun no, ang akin lang why did you even let your only daughter go to a party na alam mong may inuman tapos pinayagan mo pang matulog sa bahay ng lalaki? Does that even make sense???? Ikaw ang walang kwentang nanay sa palagay ko. Ang masakit nun, yung bestfriend na yan pa yung nagcocomfort sakin nung nagbreak kami ng bf ko. HAHAHAHAHA!

Magbasa pa
3y ago

Literal na ahas yung bestfriend. Kaya wala din akong tiwala sa mga kaibigang babae ng asawa ko. Hirap matuklaw.