Need advise

Mga momsh, need lang po advise.. masama ba kung ayoko muna patawagin yung ex-live in partner ko for almost 5yrs para kausapin yung anak namin? Naghiwalay kami Oct. nagsusuport sya sa anak namin financially. Masama pa rin kasi loob ko sa panloloko nya sakin, ayoko sya makausap, any interaction sana at currently nagsasama at papakasal na sila nung babae nya next month.. gusto ko bigyan nya kami ng space naririndi ako sa boses nya at minsan naririnig ko rin ung babae, nakatira rin sila ngayon sa bahay ng parents nya kung san din kami nagsasama before.. selfish ba ako para sa anak ko? :( minsan nangingibabaw yung emotions ko..

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Valid yung feelings mo ma, pero sana huwag mo ipagkait sa anak mo yung tatay niya na willing naman magpakatatay sa kanya. Kung magdedecide kayo mag-co- parenting kailangan magparaya ka or at least be civil sa ex mo. Hindi naman minamadali ang forgiveness pero isipin mo na lang rin muna anak mo

salamat mga mii.. I think ganun na nga lang sa mother ko nalng sya papacontakin, at pag wala ako sa bahay para mabawasan ung interaction namin.. siguro someday magiging okay rin naman ako pero sa ngayon ang hirap pa..

8mo ago

healing takes time ma no rush

valid naman po yong nararamdaman mo mi pero anak niya rin po kasi ang bata..baka ang bata hinahanap din ang tatay niya kahit hindi man nasasabi ng anak mo..lawakan lang po natin ang pag-uunawa natin para na lang po sa bata..

Kung ako din naman nasa kalagayan mo mi, nakaka inis talaga ang ganyan, pero karapatan din ng anak mo na maka usap niya ang tatay niya.