MASELAN NA PAGBUBUNTIS

Hello mga momsh! Gaano po kayo kaselan magbuntis at paano nyo ito napagtagumpayan. Sharing your experiences can inspire and help mommies na maselan. Thank you.

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa 2nd baby ko po, Monday yun ang sama ng pakiramdam ko. Nagsusuka ako tapos humihilab ang tiyan at nagLBM. Tapos sumasakit pa ulo ko. So nagleave ako sa work. The next day pumasok nako kasi may seminar ako need puntahan. The rest of the week medyo narerelieve ako pero andun pa din ung pagsusuka at paghilab ng tiyan. Wala naman akong ininom na kung anu. Saturday na try ako magPT. Positive siya. Sobrang saya namin ni hubby. The next day nagpunta na kami sa Sono at nagpaultrasound. Nakita na heartbeat ni baby. Monday ulit nagleave ako para pacheck up. Mabagal daw heart beat ni baby. Pinagbed rest ako ng 1 week. During my first trimester tuloy tuloy lang ang suka pagkahilo walang gana kumaen everyday. I lost 5 kg. Sampaloc candies ang nagtawid sakin sa urge na magsuka. Yung tipong all say sickness siya. Haha. Around 2nd tri mejo nagsubside na. Pinaglabs nako ni OB. Elevates ang sugar ko and need to watch what i eat. Less rice and no colored drinks and strict monitoring ng blood sugar sa glucometer. Naging ok sugar ko and awa ng diyos hindi natuluyan sa gestational diabetes. 3rd tri sobrang bigat na at hirap na hirap nakong pumasok. Madalas pakong OT. Akala ko kakayanin ko hintayin due date ko. At 36 weeks nagpre term labor ako. Pinagleave nako ng OB ko. Saturday check up ko nag gain ako ng 5kg within a week. Nung IE sakin 1 cm na. In 2 days daw manganganak nako. Monday nun inip na inip nako. Dumadalas BH. Nakaupo lang ako nun pagtayo ko may lumabas na tubig sakim madami dko mapigilan at hindi mapanghi. Water bag na nga. Ligo ako ng mabilisan takbo agad sa ER. 6pm nun leaking bag 2cm na admit nako. 6am the next day nagstart nako maglabor. Past 7 yun pinapatawag ko ng nurse si hubby nakikipagchikahan lang sa labas ng room. Nagawa pakong dantayan habang naglalabor ako. At sabi pa mukhang mas masakit daw this time compared sa 1st. Pagdating ng nurse IE niya ko sabay takbo kuha ng wheelchair. Fully na daw at bakit daw tiniis ko at hindi ako nagsabi. Pinasok nako sa DR mag8am na wala pa si OB crowning na and ready na ung midwife na ideliver ung baby. Dumating si OB sabay sabi magaling daw ako manganak mabilis lang daw ako. 2 ire lang baby out na. Kamukha ko daw sabi ni OB. Dun nako naiyak.😭😭😭

Magbasa pa
5y ago

😍😍😍 amazing naman. Thanks for sharing po.

Sana mapagtagumpayan namin ni baby lahat ng nangyayari samin ngayon. Currently im 14wks preggy na. 6kws na si baby ng malaman buntis ako ang my spotting spotting pero onti lang. Pinag bed rest ako for 1wk. Nung ika 8wks ko sis nag spotting ako for 1wk ika Sabado nag pa checkup ako ang sabi my hemorrhage daw ako and need bedrest ng 1wk. Niresetahan ako pampakapit saka isoxilan para daw kapag my contractions na nararamdaman. Awa ng dyos na lampasan nmn ang hemorrhage. Nakapasok nako ulit sa work 2wks working thursday September 12 2019, na stress ako sa work napigilan ko ang ihi ko ng madami beses sa dami ng gngwa ayun at nag spotting nanaman ako. Bmlk ako agad ng sabado para mag pa checkup. Wala naman nakita hemorrhage sakin and thank God ok si baby ganda ng heartbeat at 13wks 1day. Ngayon eto naka bedrest ulit for 2wks my spotting spotting pa dn ako kakatpos ko lang uminom ng 1wk na pampakapit at isoxilan. Sabi ni LIP observe ko daw mna. Napansin ko pag dko napipigilan ihi ko wala spotting ska hydrated ako nkaka 4liters ako na water. Sana malampasan ko to, my nkpag sabi kasi sakin at nabasa ko possible uti ang cause ng spotting ko. Hndi ko maramdaman ang symptoms eh gawa ng hnd ko alm kng yung sakit na nararamdaman ko sa lowerback ko e gawa ng pag higa higa. Malaking tulong din na bmli ako fetal doppler dun na momonitor ko heartbeat ni baby. Ang saya lang pakingan lalo na kng mlkas.

Magbasa pa

Ako ngayon sa 2nd pregnancy ko naging maselan ako, siguro dahil sa age kasi 34 na ko. Nagkaspotting ako between 9-10 weeks of pregnancy, 2 beses pero meron interval ng 1 day. Kahit kasi buntis na ko todo pa din ako kumilos sa bahay lalo na yung paglilinis kasi hindi ako sanay ng maalikabok lalo na at meron pa akong toddler. Binigyan ako pampakapit ng OB then sabi nya magbed rest ako. Nagrereklamo na nga ang husband ko kasi puro ako utos sa kanya, 3 storey kasi ang bahay namin at sa 3rd floor ang room namin pati playroom ng anak namin kaya bawal ako mag akya't baba. Sinunod ko lang mga reseta ng OB ko na pampakapit at kapag nakaramdam ako agad ng sakit sa katawan eh nagbebedrest ako agad, madalas din naka elevate ang paa ko kapag naka upo or naka higa kaya until now na kabuwanan ko na eh wala pa din akong manas. Kailangan lang talaga supportive din ang mga tao sa paligid naten para maging successful at hindi mahirap ang pagbubuntis naten.

Magbasa pa
5y ago

Thank you for sharing po. 😍

Bed rest ako ng almost 4 months... Mababa kasi matress ko sabi ng ob ko kapag nilabasan ako ng panubigan automatic makukunan na ako... Tapos nakita pa yung bahay bata ko na napupunit siya unti-unti... Bumubuka siya kaya malaki talaga posibilidad na makunan ako... Ang naging sandalan ko nun ay taimtim na pagdadasal sa Panginoon... Every tuesday umaattend ako ng healing mass dito sa amin para sa kaligtasan ng baby ko... Sa kaligtasan namin parehas... Upo, tayo, higa lang ako tapos lakad ng kaunti... Hindi ako naglalaba... As in wala ako ginagawa na gawaing bahay... Donya ako sa bahay namin... 9 months ako nagbuhay reyna sa bahay namin... Sa awa ng Diyos, walang nangyaring masama sa baby ko... Napaka-powerful talaga ng dasal...

Magbasa pa
5y ago

Amen po. 😍😍😍 thank you for sharing po.

VIP Member

Ako momsh May n bedrest n ko, nagkaron ako brown discharge, so pinabedrest ako ng ob ko for 2 weeks meron dn ako meds n iniinom for 1 week, tpos naging ok, so pinayagan ako bumalik s work then after 5 days meron ako light red n spotting, so balik ulit ob, sabi mababa daw c baby and nag oopen daw cervix ko kya may blood, so nagdecide n ob ko n magdefinete leave n ko hanggang s manganak, pinaggamot dn nia ko for 1 week, and thankful ako n ok n c baby ngaun, no more discharge though mababa tlga position ni baby, pero ok n cia, 7 mos n cia ngaun and still not working, gustuhin ko man magwork n ulit pero ayoko n irisk c baby kc stressful ung pinaka heas nmin, hehehe

Magbasa pa

Ako po bedrest since nung ma check up ako kasi yung kwelyo po ng matress ko ay bukas at malambot dapat daw sara to. Kaya di daw talaga pwede gumalaw ng gumalaw yun din kasi naging dahilan bakit minsan nakirot yung balakang ko saka puson kapag nakilos ako saka nag wawalking so bedrest po talaga advice hanggat maari nga daw sa higaan din ako kakain kapag mag ccr lang ako tatayo. Saka may antibiotics din na nireseta sakin gawa ng infection ko sa cervix mejo mahirap din mommy at nakkangalay naka higa maghapon pero tiis at para samin ni baby ito both safety namin 😊 pray lang din sa Dios na throughout may pregnancy maging ok kami ng baby

Magbasa pa
5y ago

Thank u 😊

Ako naman po nagkaroon ng allergy sa.pagbubuntis. Maraming tumubong kati kati sakin. Until now 35 weeks na si baby meron pa din. Puro sugat at peklat na ko. Pati stretch marks dahil dito. Sobrang hirap dahil di mapigilang wag kamutin. Kahit may pinapahid na. Wala pa ring epekto. Sana kapag lumabas si baby mawala na siya. And sana di mahawa si baby paglabas niya. Fighting and God bless satin mga mamshie...

Magbasa pa

Bedrest ako since 3 months preggy ako until now kasi may subchorionic hemmorhage ako. At 4 months naconfine ako kasi bumaba yung potassium ko. Panay rin ang contractions ko kaya i take duvadilan 3x a day. Last check up ko sabi ng ob ko bumaba yung level ng amniotic fluid ko and if hindi maagapan baka manganak ako through CS kasi breech pa rin siya until now. Im on my 31 weeks.

Magbasa pa
VIP Member

Mabilis mahilo at masuka. Maselan ang pang amoy.

5y ago

Hehe. Hirap nun. Thanks for sharing po.

Aq from beginning plng maselan n pgbubuntis q,6weeks ata un until now mg 32 weeks na,ang dmi q iniinum n gamot pmpakapit,at my uti p aq10weeks plng baby q ngcocontraction n aq tas my subchorionic hemorhage pa,sbi ng ob q my posibilidad mg ka miscariage aq,sobrang hrap dn pglilihi q suka d2 suka doon pra n aq zombie nung dalga aq ang lau ng itsura q compara ng nabuntis aq,npka emotional q pa,my time n natutumba nlng aq ng d q nmalayan,at tuwing ngpapacheck up aq lge nlng cnsv ng ob q ingatan u c baby kz prone ka miscariage pra n aq tuliro noon,pro lhat un nlagpasan q,going 8months na,At nkaposition n baby q,kya bedrest prn aq until now,dhil bka mg preterm aq,at s awa ng Dyos kumakapit prn baby q,lge q nlng kinakausap n kumapit cya kz mlapit2 nrn nman,God is good tlga🙏

Magbasa pa