fall out or not

hi mga momsh.. wla lang mapagsabihan kya dto ku nlang po isshare.. may di po ku maintindihan sa narramdaman ku.. lately parang feeling ku nawwalan aku ng gana sa asawa ku.. di nman po sa related sa s*x na nwawalan aku ng gana.. ibig ku po sabihin prang lately di ku maintindihan sarili ku.. feeling ku la akung pake sa knia na nkkatamad na asikasuhin sia pag ppasok na sia sa work na dati nman khit puyat aku sa baby nmen naggawa ku na bumangon pra asikasuhin sia tsaka ung almusal nia bgo sia pumasok., ngaun po kc prang pakiramdam ku and sna wag nman.. prang di na ku nkkaramdam ng love, or ksabikan tuwing uuwi sia., di katulad noon konting kibot gusto ku pag out nia sa work umuwe na sia ngaun khit di agad sia umuwe pag nagppaalam sia sken na dun muna dw sia sa bhay ng in laws ku bago sia umuwe feeling ku ok lang, prang wla lang sken, tas pag uwe nia wla lang prang di aku sabik na mkita sia,, di ku alam kung part pa ba to ng postpartum or what.. nagguluhan aku., ayoko nman syempre na magkahiwalay kme.. kaso di ku maintindihan sarili ku kung bakit nagkkaganito aku.. by the way dalawa po anak nmen isang 6year old ang isang 5months old.. bka po may mkkapag advise kung anung dpat ku gawin.. ilang gabe na akung nasstress dahil sa narramdaman ku, di aku mkatulog ng maayos kakaisip kung bat aku nagkkaganito.. ang hirap po.. sobra.. ang gulo gulo ng isip ku

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

feeling mo lng yan sis wag sana magpatuloy kasi kawawa mga kiddos nyo kung sakaling iwan mo sya dahil doon. Make time to do ur responsibilities as a wife baka kc focus ka nlng sa baby nyo palagi and wala kna time para kay hubby mo, intindihin mo dn sya kahit pagod kna kasi yan ang role natin as a wife and mother sa mga anak natin. Syempre pag uwi nyan from worl pagod dn yan tas gutom saka miss nya dn mga anak nya' isipin mo nlng dn na sa inyo lng sya kumukuha ng lakas at pag sisipag sa work para matustusan mga pangangailangan nyong pamilya. Better dn kung lagi ka may nakakausap at nakakasama jan sa inyo para malibang ka and mavoice out mo mga hinanain mo. Huwag lagi sad at feeling down kasi ikaw lng dn makakaayos nyan sa ganyang nararamdaman mo ikaw lng dn makakatulong sa sarili mo. Always pray dn kay God na i'enlighten ka nya sa mga nangyayari at nafefeel mo sa buhay mo. Lavaaarn lang! ganern!

Magbasa pa

Love is not all about sex. Its all about you and him. May 2 reason bat ganyan. Its either may napupusuhan ka or naalisan ka ng gana sa ugali niya. By the way as long as mabago mo yan. Change. Kase baka sooner or later dahil sa pagka dry mo dimo mamalayan palayo na rin siya sayo. And u realize how much u love him. Kaya kung nasa point ka ng nawawalan ng gana sa relationship niyo. Just think about ur child. And pano kayo nung una. Sa hirap sarap ginhawa. Just saying lang. Kase everytime na nababadtrip ako lagi lang din yan iniisip ko pano kami dati. Masaya. Okay lang. Kahit papaano naffeel yung love and care. Mas masakit pag yung asawa mo bumaliwala sayo. Mas dama mo yon kase babae ka ikaw nawalan. Dalawa anak mo. Balik mo lang yung dati kung pano kayo nag sasama. For me lang. Opinion ko.

Magbasa pa

alam mo momsh ang swerte mo kasama mo asawa mo. umuuwi sya sa inyo mag ina, hindi mo alam kung gaano ka kaswerte ka siguro hindi naapreciate yung nan jan sya sa tabi mo. Especially ngayong buntis ako. How I wish I have my husband next to me pero dahil sa call of duty niya kailangan namin mag tiis muna sa ngayon. Ang dami kong iniiyak na luha gabe2 para lang maipagdasal na sana nan dito sya. Kaya kung ako sayo momsh always think na maswerte ka, na hindi lahat ng babae nakakasama asawa nila. Talk to ur husband , baka need niyo lang ng open communication

Magbasa pa

hi momsh, ako po ginawa ko kay hubby , sinunod ko layaw nya, binilhan ko ng tv at playstation at netflix 😊 ayun tuwang tuwa po sya at bonding namin ni baby. tapps po lagi akong nagrerequest ng pagkain sa kanya bigay nya din palagi agad. dapat po di kayo mag intayan kung sino maguunpisang magpasiklab at magsustain ng love and happiness sa isat isa. kapag kapos na sa budget, sabay na lang kami umiiyak. hahahaha at least magkasama pa.din kami diba. .

Magbasa pa

As always,lagi ko sinasabi sa may mga problema sa relationship dito,makipag communicate kayo sa asawa o partner nyo. Kasi walang ibang makakaayos niyan kundi kayo lang. Pwedeng post partum ang nararamdaman mo. The more na dapat ka magopen sa asawa mo. Kasi it can lead to depression of hindi maaagapan. Iopen mo nararamdaman mo. Magusap kayo. Hopefully maiintindihan ka niya at maayos nyo yan.

Magbasa pa

Honeymoon po sagot jan 😁 Alis kayo na kayo lang dalawa. If you can ask someone to look after your kids kahit saglit lang, around 4 hours, pwede na. Dinner kayo or Lunch date. Di naman maiiwasan kasi na magkaroon ng ganyang feeling lalo na if matagal na kayo but its yearning lang momsh. Siguro kailangan nio lang talaga ng "we" time ni hubby.

Magbasa pa
TapFluencer

Open communication momsh. Be open kay hubby. At baka ganun din kasi ang nararamdaman nya kaya nauwi muna sya sa in-laws mo. Kulang kayo siguro sa babe time. Try mo ulit maging sweet. Lambingin mo. Malay ko sabihin nya na namimiss ka na nya. Pray ka momsh. Pray. Stay strong. Family. Always. And. Forever.

Magbasa pa

Hi momsh, baka po kasi unti unti na kayong nawalan ng time sa isa't isa dahil syempre po priority si baby. Pero kahit may baby na po dapat po may time pa rin kayong mag asawa. Talk to each other, try nyo po na magbigay ng time sa isa't isa kahit konti.

balikan mo ung nkaraan nio kung paano kayu nagkakilala ung msasayang alaala niyo ganun ako kapag nkakaisip ng ganian inaalala ko kung paano kami nagkatuluyan after tht iisipin mo nlang n ganito pla kami dati blikan mo ung masayang nkraan nio magasawa

The way po your husband treats you is an effect of what you are feeling now. BUT, if theres nothing wrong with how he treats you, then maybe ikaw mismo po may problema. Communicate po. Thats how you work things out.