palabas po ng sama ng loob

Mga momsh wala ako masabihan nito??? Nagkakilala kami ni hubby ok ang lahat Kinasala kami simple lang After a year bumagsak yung busniness ng family nya hindi na makahanap ng trabaho daddy nya mami nya medyo bata pa nakahanap naman. Nung naging ok ulit buhay nila dito na kami pinatira kasi nag stop si hubby bunso si hubby 4 sila magkakapatid lahat may asawa na malaki bahay nila kaya lahat kami dito nakatira except sa panganay nila kasi malayo trabaho dito sa lugar namin. Kanya kanya kami dito kaya parang nakabukod din kami. Dumating yung point nya naging pamilya ng kuya nya at kami nalang naiiwan palaging wala kasi parents nila. Paborito ng byenan kong babae yung bilas ko ewan ko ba lahat kami dito pati kapitbahay ayaw dun sa bilas ko bukod tanging byenan kong babae lang gustong gusto nya yun sabi nila nakikita daw kasi ng byenan ko sarili nya sa bilas ko. Ugali kasi ng byenan ko matapobre pati yung lalake mapangmataas sila lahat ng gastos sinasabi nila.. Palagi kami nag aaway ng bilas ko nayon kasi kung ano gusto nya yun ang ayaw ko. Gusto nya yung bahay puro dark color kurtina pati pintura. Ako naman mga light lang gusto ko yung maliwanag. Malinis sya pero dami sat sat. Ako malinis din pero ayoko nung naglilinis ako may tao sa bahay sya kasi kapag naglilinis dami sinasabi. Basta walang araw ang lumipas na hindi kami nag away lalo na malakas loob nya kasi sya pinapaburan ng byenan kong babae gusto nya sya namamahala dito sa bahay kapag wala mga byenan namin. Tapos nung naghirap byenan namin lumayas sila bumukod na din kami nalang naiwan ni hubby. Akala ko magiging ok na ko stress free na pero wala din pala araw araw pinapamukha sakin ng byenan kong babae na yun parin gusto nya dito sa bahay yun gusto nya makasama sa lahat ng lakad nila tinatago pa nila sakin mga family reunion nila kunwari hindi sila sasama pero makikita mo nalang sa pic.andun sila. Lalo na pagdating sa anak ko puro mukhang bibig nya yung apo nya dun sa isa. Sa lahat ng manugang nya yun pinakapaborito kaya sabi sakin ng isa ko pang bilas mag ipon na daw kami para makabukod kasi kaya daw sila bumukod malakas loob nung isa bilas namin kasi may kakampi. Ngayon kapag may sakit sila ako din naman inaasahan nila. Sobrang naiinis po ako bakit ganun ok lang sana sakin wag lang sa anak ko. Saka sinabi na namin nun bubukod kami ayaw nila kasi nag aaral pa daw asawa ko saka nalang daw bumukod kapag tapos na. Tama naman sila pero sana naman minsan maging sensitive sila. Ngayon po may event sila sabi samin mag asawa wala daw pupunta isa sa mga anak nya kasi gusto nya kumpleto pero nakita namin sa pic.inapload ng pinsan nya friend ko po sa fb. Ang dami nilang pic.andun sila ng bilas ko na paborito nya tapos may video pa sabi sa video eto talaga pinamamahal kong apo eh. Ngayon sirang sira kami sa angkan nila lahat kami.yung paborito nya anghel. Kaya kapag nagpupunta dito angkan nila iba tingin sakin tapos malalaman ko nalang po sa ibang tao wag daw ako kausapin mahahawahan sila ng kasamaan ng ugali ko.

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dalawa lang naman pwede mo gawin. Bumukod ka or magtiis ka. Mahirap tlaga makisama sa byenan. Gawan niyo nalang ng paraan na makapagbukod kahit nag aaral pa asawa mo. Wala na kayo magagawa sa ugali nyan. Ginagawa nya yun kasi alam nya nakadepende kayo sa kanila.