old post and new convo

Mga momsh ayoko sana patulan to kaso parang iba na eh. Pumunta dito sa house si mother in law saglit lang naman sya dahil sa pagmamadali nya naiwan nya cp nya naalala nalang nung nakauwe na sya mahirap din sakayan kasi rush hour kaya sabi ng hipag ko balikan nalang daw bukas. Ngayon panay chat nung paborito nyang manugang syempre akong chismosa? napatanong ako sa sarili ko ano kaya pinag uusapan nila kasi hindi kami magkasundo nung bilas ko na yun eh. Tapos hindi ko sya friend sa fb nka block si hubby sa kanya mga post nya only friends lang siguro nakakakita. Inopen ko ay anak ng tipaklong ako topic. Sabi ba naman ni bilas kong magaling. Hahhahaha natupad na po pangarap nung desperada nabuntis na!( mga 1 year narin convo nila to) Latest convo. Bilas: sabi ko po sa inyo eh pinikot lang nya si kenneth kaya nabuntis yan kasi ayaw nya na iwan sya! Byenan: kaya nga halata naman hindi sya mahal ni kenneth ewan ba ayaw talaga sya iwan ni kenneth. In my mind: luh! Halata daw na pinikot ko bakit mas pinili ako kesa sa inyo? Bakit patago akong pinakasalan dahil sa ayaw nyo? Bakit panay aya dati na ipakilala ko sya sapamilya ko? Bakit mas excited pa sya sakin nung nalaman namin na buntis ako? Bilas: pinerahan lang po kayo nyan kasi dba mahirap lang sila akala siguro naka jackpot! Byenan: sus! Akala nya lang yun napakasama ng ugali nya kinausap ko nga si kenneth kung gusto nya umuwe nalang sya tapos kunin nalang namin si lia. In my mind: Pera? Hala sila pakitanong sino gumastos sa buong 4th year college ng anak nila? Ako po ah ako dahil walang wala na kayo nun ayoko kasing maghinto anak nyo kaya ginastusan ko! Saka wow! Masama ugali ko? Totoo naman aah iharap nyo sakin sino nagsabi na mabait ako papatayin ko! And wow again! Kukunin nyo anak ko sige patulfo ko kayo!? Mahaba pa po yan! And nag stalk ako sa fb ni bilas ay sya ka. Desperada daw talaga ako may mga naka platform daw ako na plan ko. Me: hahahahha buti sya alam nya yung plan ko kasi ako hindi eh plan ko lang maging masaya sa buhay at guminhawa para sa pamilya ko. ( old post) New post ( sige magpakasaya ka darating din ang araw sira yang buhay mo??) Me: nakahanda na kasi ngayon palang inihahanda nyo na ko but wait syempre bago sakin sa inyo muna! Mahaba pa po sobra. Hahahha nung pumunta sila ulit dito tameme sila hindi sila makapasok sa village namin? Pero dahil love ko si hubby pinapasok ko na sila Aba kasama pati bilas ko. Buti nalang nabasa ko sa chat ng byenan kong lalake chat nya kay hubby. Anak punta kami dyan sa lunes. Last monday po eto ah. Buti nalang napaayos ko na bahay namin hahaha almost 6months sila hindi nagpunta dito warla ako eh. Yun pala gusto nila dito muna sila samin dahil daw naoperahan byenan kong lalake hindi makapag work byenan kong babae nag aalaga sa asawa nya eto namang bilas ko nagtanggalan daw sa work ng asawa nya isa yung asawa nya natanggal haha. Me: ano kayo ngayon sino kinakarma!at dahil din masama ugali ko pinatuloy ko sila pero 1week lang kasi nakarecover na nun byenan kong lalake sa mata lang inoperahan eh. Pinakita ko sa kanila eto yung minamaliit nyo dati na ngayon hinihingian nyo ng tulong! Hahahha nagpadala mo mama ko at sabay pa ng bonus ni hubby eh d napagawa ko nanamn yung kwarto ng anak ko hahaha pati kwarto namin tapos nakabili pa ko tv para sa room namin hubby!?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Deadma mo nlang mamsh nanay pa din yan ng asawa mo at pamilya mo na din. Pakitaan mo lang ng maayos. Basta alam mo sa sarili mo na wla kang ginagawang masama. Just pray.