Ang tinde naman niyan! 1. Ang baby maglalaway at maglalaway talaga yan lalo na kapag magsimula na silang mag teething/tubuan ng ngipin. 2. Hindi nakakakabag ang breastfeeding mas kakabagin ang baby kapag bottle feed. Hindi naipapasa nang nanay ang kabag niya sa baby, hindi naman hanging laman ng dede natin gatas at taba po ang alam! Mas kailangan ng baby ang breastmilk. Kaya padedehin mo anak mo kahit na magalit pa byenan mo. At sisihin ka! 3. Baby ko pagka-kapal kapal ng buhok ng maipanganak. Nagkaroon din ng poknat. Kasi sabi ng Pedia normal daw na maglagas ang buhok ng baby. Nagfo-fall yung baby hairs para sa tumubo ulit ng bago. 4. Baka cradel cap yung nagbabakbak sa anit ng baby mo. Sabi ng Pedia ni baby ko lagyan daw ng petroleum jelly ang anit overnight, sa umaga pagkaligo saka shampoohan. Pamahiin lang yang sa inlaw mo. May mga scientific reasons at nagkakaganoon yung baby hindi yun dahil sa ginawa yung bawal sa pamahiin. 5. UMUWI KA NA SAINYO! ❤️❤️❤️ Kausapin mo asawa mo, mahirap magpalaki ng anak tapos sariling ina or ama hindi makapagdecision para sa anak nila dahil may ibang nasusunod.
Regaluhan mo ng What To Expect First Year yung inlaw mo para may alam 😁
Millennial Ina