Pamahiin lang ba?
Hello mga momsh, totoo po ba na kapag pinapaupo or pinapadapa ang baby kahit 1 month palang sya e maglalaway? Panay bawal kase sakin ng inlaws ko e sabi naman ng mama ko tutal matigas na ang likod ng bata e hawakan ko sya ng nakaharap para hindi lumiyad liyad at that way matuto agad kasi mas madami sya makikita. Ang kaso ayaw ng inlaws ko at maglalaway daw. Pati ang pagdapa ng baby tuwing tinutummy time namin sya binabawalan ako. Mapamahiin kase ang byenan ko. Ayaw nya ring padedein sakin kase nga madalas kabagin si baby sinisisi nya sa lamig ko kung bakit ganon ang bata. Ayaw din nya pabrush ang buhok ng bata at makakalbo daw e nagbabakbak na kase ulo nya ayoko maipon at magsugat ang ulo ng bata. May mga scientific explanation po ba ito o pamahiin lang talaga? Paadvice naman po bago ako mabanas at umuwi nalang saamin.
ig: millennial_ina | TAP since 2020