aswang??
mga momsh survey lang po ilang month po tyan nio nung unang beses kayung aswangin ? dame ko po naririnig na yung mga buntis ee inaaswang daw ?? 4 months pregnant napo ako liblib po dito samen and lage rin po akong nalabas ng gabe pag maghahanap ng pagkaen pero wala pa kung na incounter na aswang curious lang po ako pag ba di pa malaki yung tyan di pa napapansin ng aswang na buntis ??? karamihan sa mga nagkekwento saken 8 or 9 months na sila inaswang so malalaki na talaga mga tyan nila .

Momsh, ako 2 months palang dinadalaw na ako kahit morning. Probinsiya po ako at marami haka haka samin kung sino ung aswang, at nakakapagtaka lang kasi yung matandang un eh di na man na nakatira sa lugar namin e nagpabalik balik at tumira ulit dito. Naglagay kami ng asin, bala, makaranas at bawang sa bawat bintana namin, at mula non nakatulog na ako ng maayos. Ang mga aswang momsh naamoy nila yan kahit bagong buntis ka palang. Baka nga mas mauna pa yan makaalam na buntis ung nanay kesa sa nagdadalang tao. Mabango ka kasi para sa kanila pag buntis. Di rin ako naniniwala dati, first time preggy po ako kaya mejo natakot ako nung sakin na naglapit lapit at nagdaan daan ung matandang un kahit di naman nadadaanan samin. Pray nalang din momshie
Magbasa pa


