aswang??
mga momsh survey lang po ilang month po tyan nio nung unang beses kayung aswangin ? dame ko po naririnig na yung mga buntis ee inaaswang daw ?? 4 months pregnant napo ako liblib po dito samen and lage rin po akong nalabas ng gabe pag maghahanap ng pagkaen pero wala pa kung na incounter na aswang curious lang po ako pag ba di pa malaki yung tyan di pa napapansin ng aswang na buntis ??? karamihan sa mga nagkekwento saken 8 or 9 months na sila inaswang so malalaki na talaga mga tyan nila .
maaring maraming hindi maniwala lalu na kapag laki sa syudad, pero base on may experience, bagong gawa lang bahay namin, kaka 1yr lng ng august. wala pa kase kurtina bahay namin, sbi nung kapitbahay ko, may naakyat matandang lalaki sa hagdan namin, pero sa kame kame lng ng hubby ko at panganay at padalawa ko nakatira dun, sa kabilang bahay nakatiran parents ko,patay n din naman mga lolo, ung bahay ko kase pag bukas ang ilaw kita mo hagdan tapat kase ng bintana, and until now laging may bumabagsak sa bubong namin,kahit wlang puno n katabi, mataas bahay namin..ngaun lang un nangyare cmula nung mabuntis ako.. weird man,at tatawanan lng ng iba kapag laking probinsya ka, maeexperiece mo ung nababasa mo lang s libro or napapanuod s tv. d nman masamang maniwala at mag ingat maamsh sinelce liblib n lugar yan💜💜💜💜
Magbasa pa3mos.preggy ako ngayon at last week ko lang naexperience to sa bahay namin sa San Juan Manila.ang alam ko lang nung naramdaman ko na may kumalmot sa hita ko ng 2am nakakumot pa ako at sarado ang kwarto wala kming pusa o daga sa bahay twice na ito nangyari sakin na nababalikwas ako dahil meron kumakalmot sakin ng dahan-dahan hindi na ako nakatulog dahil bigla ako nag palpitate at sumakit ang balakang at pwet ko hindi na pumasok ang hubby ko dahil bka dalhin ako sa hospital first time nangyari yun natakot ako dahil first baby dasal ako ng dasal habang nilagyan ni hubby ng baby oil ang bandang pwet ko pataas dahil prang malalaglag sa sakit. kya nag stay muna ako sa bahay ng parents ko ngayon.hindi rin po ako naniniwala nung una pero pag buntis ka tlga mraming ngyayari na di mo akalain na paniniwalaan mo na din.
Magbasa paMomsh, ako 2 months palang dinadalaw na ako kahit morning. Probinsiya po ako at marami haka haka samin kung sino ung aswang, at nakakapagtaka lang kasi yung matandang un eh di na man na nakatira sa lugar namin e nagpabalik balik at tumira ulit dito. Naglagay kami ng asin, bala, makaranas at bawang sa bawat bintana namin, at mula non nakatulog na ako ng maayos. Ang mga aswang momsh naamoy nila yan kahit bagong buntis ka palang. Baka nga mas mauna pa yan makaalam na buntis ung nanay kesa sa nagdadalang tao. Mabango ka kasi para sa kanila pag buntis. Di rin ako naniniwala dati, first time preggy po ako kaya mejo natakot ako nung sakin na naglapit lapit at nagdaan daan ung matandang un kahit di naman nadadaanan samin. Pray nalang din momshie
Magbasa payung sakin dati di ako naniniwala pero dinugo ako bigla one time ng sobrang lala akala ko wala na si baby. Sabi naaswang daw ako nung kapitbahay namin (super probinsya kasi dun) Tapos binigyan ako ng bawang na may asin nakabalot sa papel na puti at ng bala ng nanay ng sister in law ko tapos pinausukan ako ng garlic na sinunog sa uling tumigil unti unti yung bleeding. Ever since nun di ko na tinanggal yung bala at bawang na may asin. Pinapalitan ko lagi yung bawang kapag malapit na matuyo. Minsan may naririnig pa din akong kalampag sa part ng bubong namin. Ang hirap paniwalaan pero wala mawawala kung lagi ko suotin yung bigay nila sakin.
Magbasa pa1 month palang tyan ko nun , sabi ng kapitbhay namin sa mama ko (medyo malayo ng unti yung pinto nila mga 2 bahay pgitan tas tnaw yung pinto namin sa screen nila)mga alas 3am daw (maaga sila naggising dahil may store sila) May aswang daw sa tapat ng pinto namin. And nung gabi na yun may kumakaloskos sa bubong namin imposibleng pusa yun dahil mabigat yung yabag sa bubong namin. NakaLoft bed pa naman ako at medyo malapit sa bubong kaya hindi ako nakatulog nun.Kinabukasan tinanong na ako ng mama ko kung buntis ako dahil di ko pa yun nasasabi saknya that time.
Magbasa paHind ako naniniwala sa aswang, but nun mga 6-8 months tummy ko, lagi kami may naririnig ng husband ko n mbigat un tapak sa bubong namin pag gabi mga 9-10pm start. Pag lumalabas siya to check, wala naman siya makita. Tapos un mga aso ng kapitbahay namin sa manila lagi tumatahol ng nakakatakot minsan palapit sa bahay namin un tahol. nikwento ko sa mom ko, binigyan niya ko rosary and un 1 yaya ko, nagdidikdik ng bawang na katabi ko matulog. Ngayon manganganak na ko anytime, rosary na lang katabi ko and dasal lang. :) so far healthy naman si baby :)
Magbasa pakaka 4months lang nang tummy ko mamsh pero may naririnig na ako sa bubong namen, at may pusa na laging umaaligid sa bahay namen. pero nung wala pang buntis dito wala namang ganto walang pusa walang maingay sa bubong . pati kapitbahay namen napapansin yun, kaya double ingat lang talaga. wag lalabas sa gabe . ako hindi ako lumalabas sa gabe pero feel ko one time kase bumili ako ng pagkain tas kinagabihan nun nag simula na ang pusa at ingay sa bubong namen. mabango daw kase ang buntis sa aswang 🤦 Naniniwala ako sa ganyan. 😊
Magbasa pahindi ako naniniwala sa aswang, pero nung nagbuntis ako, wala pa atang 3 months tummy ko nun, panay panay tuwing gabi ang talunan ng mga pusa sa bubong namin. Yung talon na parang ang layo ng pinanggalingan. Samantalang dati nung hindi ako buntis, madalang naman yung mga pusa sa bubong. Kaya mula non, dun na ako sa sala natulog hanggang sa manganak. Wala naman akong ginawang pangontra, nag ppray na lang ako kay Lord before mag sleep.
Magbasa paSame sis. Currently 10wks na ko, yung kapitbahay namin and tita ko ang nakakita ilan beses na pabalik balik. Naglagay na kami ng bawang at asin sa bawat bintana and pinto. Just to be safe sa sala na muna kami natutulog siguro hanggang sa pagka panganak ko na lang. Stressful kasi lalo na di ka makatulog at makapagpahinga ng ayos.
hindi ako naniniwala sa aswang pero ung byenan ko mapamahiin. nung buntis ako around 3 or 4 months ata napansin namin ng asawa ko na palaging may kumakaluskos sa bubong namin in particular sa room pa talaga namin. sabi ng byenan ko mabango daw kasi ang mga buntis sa aswang-aromatic ba parang ganun. kung lumalabas ka ng bahay sa gabi dala ka ng pangontra like bala ung may pulbura pa sa loob tapos ibalot mo ng pulabg tela.
Magbasa paAt share ko lang momsh. Naglagay ako ng bawang at uling na maliit lang sa ice water wrapper at lagi ko po yun dala dala. Perdible po nalang gamitin niyo momsh, ilagay sa damit na di nakikita. Try ka lang momsh, wala na man mawawala. Pangontra daw yun sabi ng mga lola ko. Iwas usog na rin. Sootin niyo kahit san kayo magpunta po.. Ganito po itsura nung sakin hehhehee mejo sira na kasi mag 6 months ko na ginagamit yan
Magbasa pa
Hoping for a child