57 Replies

totoo pong may aswang kac po laki po ako sa probinsya at maraming tao ang nakapag patunay na totoo ang aswang. ako po 1month palang po akong buntis pero tuwing 8pm po pagtulugan na may laging lumalagpak na malakas sa bobong namin at hanggang 3am ng madaling araw nandun sya at sobrang ingay nya lakad sya ng lakad minsan pa naririnig namin na parang pinipilit nyang sirain yung bubongan namin

Hindi ko alam tong pamahiin na ito. Since hindi ko alam, wala akong kinatakutan and thank God everything went well. Wala namang kung anumang kababalaghang naganap. Kay God po tayo dapat maniwala at matakot. Totoo man o hindi ang mga entities, wala silang power kung di niyo bibigyan. So magtiwala lang tayo kay God. Pray lang po lagi

my mama told me na naranasan nya yan sa probinsya namin 8mos preg sya sa kuya ko noon meron syang grapa kung twagin samin na dala dala at biglang may matandang dumaan na tinignan tiyan niya sabay sakit daw ng sobra,at yung grapa sobrang bulang bula.. so naniniwala ako sa gnyan ,lalo buntis ako ngayon nag aalala lang ako, pero prayer is the key😊🙏....

ako hindi ko sure kung aswang yon hahahaha 3months preggy ako non and mag isa lang ako sa boarding house kase nag wowork pa ko. twing 1 hanggang alas tres ng madaling araw laging nagigising ako may nagaaway na pusa sa harapan ng pinto ko tapos yung boses parang bata hindi parang pusa hahahaha 😂 hindi pa naman ako naniniwala sa mga aswang na yan.

VIP Member

Pa 7 months na kami ng baby ko sa tummy but I’d never experience yung aswangin. Always pray lang bago matulog at pag gising. Sa sobrang pagtitiwala ko sa Lord palaging may katabing bible malapit sa tummy ko kapag mag sleep kami ni baby ❤️ Trust God lang mamsh walang aswang aswang basta Pray lang mas powerful yun 👍🏻

Yep sis! Correct ka dyan NO ONE CAN AGAINST US BASTA KASAMA PALAGI SI LORD SA BUHAY NATIN.❤️

dapat lage kayong may dala dalang luy-a at saka asin ahos. kahit saan man kayo magpunta mapatulog man may puntahan. kasi ako kahit ako lang mag isa, never ko na try yan kasi may dala² ako.. heheehe pati bintana namin nilalagyan ko ng asin ahos at saka luy a. takot daw kasi sila nyan eh?.

11 weeks preggy here and currently living in the Metro but I will continue my pregnancy journey sa probinsya.Kung meron man aswang don,wag ako. Baka pektusan ko pa sya lungs. Key is don't be afraid.If ikaw ay religious/believer of god,I think prayers for protection might work for you.

sorry pero hindi ako naniniwala sa aswang. marami kaming pinapakaing pusa sa loob at labas ng bahay kaya sanay akong nakakarinig ng may naglalakad or takbuhang pusa sa bubong. nagaadd lang kayo ng stress sa sarili nyo kaya wag nyo ng isipin yan. God is bigger than everything.

VIP Member

Hindi ako naniniwala sa aswang and so far 7 mos na akong buntis pero hindi pa rin ako inaaswang. Nasa remote area ako ngayon nakatira dahil buntis na. Hindi naman talaga yan totoo sila pero di pa rin maiwasang matakot lalo na pag ikaw lang mag isa mg lakad sa gabi.

Sorry. Ako naniniwala. 2 anak ko inaswang ako. Pero pasalamat ako kasi nandito mister ko. Nasa village pa kame dito sa Marikina. Pero meron. Nung pinost ko yung cctv footage kung pano siya nawala at sumilip kung pano tatakas .. Hindi na niya ko dinalaw uli.

Trending na Tanong