Need help 😭 Single Mom

Mga momsh sorry po sa negative vibes pero need ko ilabas tong nasa isip ko kasi naiiyak ako sa iniisip ko na, "I don't want this baby", "Di ko na magagawa mga ginagawa ko noon dalaga pa ako", "I want my freedom back na nagagawa ko lahat ng gusto ko", "Paano ko sasabihin sa baby ko na Wala syang tatay?" "bakit nag pabuntis pa ako sa ex ko at iniwan nya ako sa ere", "Ano ba nagawa ko na mali? Para iwan nya kami mag Ina sya naman ang may gusto ng baby at hindi ako, nag pagkatanga at minahal ko lang sya ng sobra kaya pumayag ako and kahit Isang beses simula ng nag hiwalay kmi di na ako in-contact, pinabayaan nya kami Ng baby ko sa tyan ko. 😭" "Bakit may mga babaeng Ang titigas Ng mukha? Sinubukan ko naman in-chat yung babae nya pero mas lalong kumapit yung babae nya sa kanya" Mga momsh, pumasok pa sa isip ko ang palaglag ang bata 😭 pero pero di ko magawa.. di ko Kaya.. pumapasok lang sya sa utak ko.. Minsan bigla nalang ako maiiyak, iniisip, Ano ba tong pinasok ko na sitwasyon. 😭😭 Mga momsh nag iisip naman ako ng mga positive thought pero mas matimbang negative. 😭 Feeling ko di na kaya mga momsh.. 😭 hirap maging strong. Nahihirapan na ako😭

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I'm also a single mom of two. A 4 yrs old and 20 weeks pregnant ako ngayon.. different father. Yung una buntis plng ako noon nung nag separate kmi. Kasi parang hindi pa sya cgurado sa buhay nya. ahahah.. At ako nman I really wanted na magkaanak na nung tym na yun kaya okie lng sakin kahit na walang yung father. importanti yung baby.. And after kong manganak he realize na gusto nya kaming mabuo kaso late na pra bumalik sa amin. Even though wala pa akong partner noon. Ayuko lng kasi sa lalaki na walang panindigan..Pero sa ngayun okie cla ng anak ko at ng biological father nya. May communication nman cla. Sa second child ko. 1 month na nung nagkahiwalay kmi nung nalaman kong buntis ako. At first gusto nyang ipalaglag ung bata. Subrang gulo nag sitwasyon nmin ng ex ko noon. Hanggang sa pati ako naisipan ko ring ipalaglag yung bata pra matapos na yung gulo. Physically, emotionally, spiritually and financially di ako ready for 2nd child. 😒Kaso di ko kayang gawin at naisip ko yung 1st born ko. Mahilig kasi sya sa baby. Lagi nyang sinasabi sakin na gusto nya daw ng lil brother or sister. Naisip ko na kng ipalaglag ko yung baby at darating yung araw na malalaman nya alam kong kamuhian nya ako.πŸ˜₯😒 Ngayun di ko masasabing okie kmi nag ex ko pru he promise na tutulong sya sa mga gastusin ng bata. Pero i know na hindi nya parin tanggap yung baby. Kasi ayaw nya itong pag usapan. At ginagawa nya lng lahat ng iyun dahil sakin. Masakit lng kasi na wala syang pakialam sa bata, mas gugustuhin kong wala syang pakialam sa akin basta sa bata meron. At lagi nyang sinasabi sakin na wag na wag ko daw ipapakita ang bata sa kanya. Lagi kong pinagpray na sana darating yung panahon na magbago yung nararamdaman nya sa baby. Di man natin na iintindihan ang mga rason kng bakit tayo nasa ganitong sitwasyon pru alam ko na may magandang planu si God satin mi. Mag tiwala lng tayo..

Magbasa pa
Related Articles