Single Mom

Mga Mii, ask ko lang po, Meron po ba dito iniwan ng Ama ni baby habang buntis tapos gusto pa bumalik ulit after nyo manganak? Tinanggap nyo po ba ulit sya after nya kayong iwan mag ina or hindi na? Iniwan Po nya kasi kami ni baby habang buntis ako ang reason ay cheating Po, tapos nailabas ko na po si bb(1yr old na ngayon) at gusto daw po nyang makasama anak nya pero nag bibigay naman po sya ng sustento ever since naghiwalay kami.. di lang po nya ako tinulungan sa hospital bills dahil sa panahon nag bubuntis po ako di po nya ako in-contact kahit na isang beses, nag papakasarap po sila ng babae nya.. Yung babae, tatay at tita ng lalaki alam na buntis ako pero in block po nila ako sa social media account nila, kahit di ko naman po sila kinakausap.. Ngayon mga momsh gusto bumalik ng tatay ni baby.. kung ako lang Po, Ayaw ko na po sana kasi kaya naman Po namin ni bb kahit wala sya.. pero iniisip ko si bb Yung future nya.. Kaya di po ako maka pag decide... ๐Ÿฅฒ

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang po mahirap yang sitwasyon mo mi, sa iba madali sabihin na wag mo na balika dahil niloko ka na nya, may iba na sabihingive him second chance. Naging single mom po kasi ako, lumaki anak ko na hindi nya kilala biological father nya dahil iniwan kami while pregnant pa ako. Ang struggles as a single mom is yung impact sa pagkatao ng bata.. kung sa sarili ko lang yes kaya ko palakihin anak ko mag isa financially. Pero hindi natin masasabi yung epekto ng bata kapag lumaki sya na wala kinikilalang ama. Yung tutuksuhin sya dahil ni minsan wala sya naipakilalang daddy. Ikaw makaka decide mi kung bibigyan mo pa sya ng 2nd chance for your childs sake. If hindi mo kayang magdecide, surrender mo kay Lord ang problema mo at sya na bahalang gumawa ng way para maka decide ka. Wag mo madaliin ang pag dedesisyon dahil baka maging mali ang ending. Hope malampasan mo itong problema mo mi. Keep your faith always.

Magbasa pa

Mi kung ako lang po, hindi ko na po yan papayagan bumalik. Enough is enough, marami akong kilalang taong walang ama pero lumaki namang maayos at masaya, mahalin mo na lang ang anak mo, your love is more than enough, kesa makilala nya yung tatay nyang "cheater". Lalaki yung bata knowing na niloko ng tatay nya ang nanay nya which is malaking impact rin sa bata kung tutuusin. Yes, magiging whole kayo as a family, pero magiging masaya pa ba kayo? Yung environment ng bata is also priority mi, kung mag-sasama kayo tapos panay lang kayo away, do you think that would help your child? Di ba mi? Pero sa akin lang rin naman, nasa sayo pa rin naman ang decision since, ikaw lang talaga nakakaintindi ng sitwasyon mo.

Magbasa pa

Mi ikaw po, kung saan ka komportable. Pero keep in mind na tatay parin sya ng baby mo and at some point kailangan nya din makilala ang papa nya, regardless kung anong estado ng relasyon nyo. Iba naman po kasi sa mag-ama ๐Ÿ˜… madami naman pong ganun na okay ang bonding ni baby at daddy kahit di na okay si mommy at daddy. Kung tingin mo mommy komportable ka na ipakilala si baby sa papa nya, then why not, pero if need mo pa ng time to heal, go for it.

Magbasa pa
TapFluencer

hi mii, mas better po mag pray kayo and wait for God sign, patawarin nyo po muna sya and dapat healed kayo if ever pababalikin mo sya sa buhay mo para walang sumbatan. Tignan nyo po kung okay na ba talaga sya at seryoso sya sainyo ni baby kasi mas masakit yung mauulit po ang nakaraan. Wait for Gods time mii wag nyo po madaliin. Praying for your peace of mind and your family.

Magbasa pa
2y ago

best advice

Ako mi, 3 yrs kaming iniwan kasi hindi pa daw nya kayang magpakatatay pero bumabalik siya ngayon kaai gusto nya daw buo kami. Para sakin lang mi, kausapin mo sya ng masinsinan, na kaylangan nya muna pagtrabahuhan kung gusto nyang makabawi sa inyo, then kapag nakikita mong okay naman, saka ka magdecide para sa baby niyo. We all know na kaya natin buhayin si baby mag-isa pero mas masarap pa rin pag buo ang pamilya.

Magbasa pa
2y ago

tinanggap mo ba sya ulit, Mii?

for me po hindi na.. kasi once a cheater always a cheater ika nga.. dapat kung gusto nya makasama anak nya bat pinatagal nya pa pinaabot pa nya ng 1year.. just saying lang po.. ako kasi may unang anak din sa iba and walang kwenta yung tatay.. then after ilang years nagkatagpo padin ako ng asawang tatanggap ng buo saamin ng anak ko... pero nasa saiyo padin yan ..

Magbasa pa

wag na. mukhang ma sstress ka lng kpag binalikan mo yan. at mukhang wlang pag suporta sa sude ng lalaki. hamakin mo, d mo naman pala sla nakakausap e nakikiblocked pa hahaha. wag na mamsh kng ako sayo. sustento na lng .

Wag mo na aksayahin oras at panahon mo sa ganyang lalaki. Intindihin mo nalang anak mo at dpt mag support pa dn cya sayo..