Need help 😭 Single Mom

Mga momsh sorry po sa negative vibes pero need ko ilabas tong nasa isip ko kasi naiiyak ako sa iniisip ko na, "I don't want this baby", "Di ko na magagawa mga ginagawa ko noon dalaga pa ako", "I want my freedom back na nagagawa ko lahat ng gusto ko", "Paano ko sasabihin sa baby ko na Wala syang tatay?" "bakit nag pabuntis pa ako sa ex ko at iniwan nya ako sa ere", "Ano ba nagawa ko na mali? Para iwan nya kami mag Ina sya naman ang may gusto ng baby at hindi ako, nag pagkatanga at minahal ko lang sya ng sobra kaya pumayag ako and kahit Isang beses simula ng nag hiwalay kmi di na ako in-contact, pinabayaan nya kami Ng baby ko sa tyan ko. 😭" "Bakit may mga babaeng Ang titigas Ng mukha? Sinubukan ko naman in-chat yung babae nya pero mas lalong kumapit yung babae nya sa kanya" Mga momsh, pumasok pa sa isip ko ang palaglag ang bata 😭 pero pero di ko magawa.. di ko Kaya.. pumapasok lang sya sa utak ko.. Minsan bigla nalang ako maiiyak, iniisip, Ano ba tong pinasok ko na sitwasyon. 😭😭 Mga momsh nag iisip naman ako ng mga positive thought pero mas matimbang negative. 😭 Feeling ko di na kaya mga momsh.. 😭 hirap maging strong. Nahihirapan na ako😭

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mii. First of All.. Always Believe in God and keep your Faith in Him. He have plans for you. I was once a single mom for a twin girls. Un tatay ng ank q, nagtago. Pero di ko hinabol. I knew it will be very hard for me. Huhusgahan ka ng mga tao sa paligid mo for getting pregnant na walang tatay. That's exactly what happened to me. But then, pinilit kong di magpa apekto para sa anak ko. Nanganak ako sa public hospital ng kulang sa buwan yung twins. We spent 20days to be exact sa loob ng ospital. Ako lng mag isa s loob ng ospital dhl bawal ang kasama. Puyat, Pagod, Lungkot at takot para sa kalagayan ng babies ko yun kinakalaban ko. But I knew God was with me all those time. Nakalabas kame ng ospital and nabuhay at ngayon mag 10yrs old na ang anak ko. Isa lng kaya kong ipayo sayo. Mahirap maging single mom.. Yes.. Absolutely. But trust me.. Hindi mo pagsisisihan yan.. Magtiwala ka sa sarili mo lalo na sa Diyos. Hindi nya ibibigay sayo yang baby mo if you don't deserve that precious gift that He's giving you. Madami ang babaeng gusto magkaron ng anak pero kahit anong gawin hindi sila magkaron. So you're blessed dahil you have the capability na magkaron ng baby. Magtiwala ka lang kay Lord dahil hindi ka nya papabyaan.. And kung iicpn mo na bka wla ng ttanggap at magmmhal sau na lalaki..? No. That was wrong. Dahil meron at meron pa din yan. Kung wala man.. At least you have a child na sigurado ka ng mamahalin ka habang buhay. Alagaan, tanggapin at mahalin mo yun baby mo. Blessing yan. Trust me. God Bless and be safe.

Magbasa pa
Related Articles