Need help 😭 Single Mom

Mga momsh sorry po sa negative vibes pero need ko ilabas tong nasa isip ko kasi naiiyak ako sa iniisip ko na, "I don't want this baby", "Di ko na magagawa mga ginagawa ko noon dalaga pa ako", "I want my freedom back na nagagawa ko lahat ng gusto ko", "Paano ko sasabihin sa baby ko na Wala syang tatay?" "bakit nag pabuntis pa ako sa ex ko at iniwan nya ako sa ere", "Ano ba nagawa ko na mali? Para iwan nya kami mag Ina sya naman ang may gusto ng baby at hindi ako, nag pagkatanga at minahal ko lang sya ng sobra kaya pumayag ako and kahit Isang beses simula ng nag hiwalay kmi di na ako in-contact, pinabayaan nya kami Ng baby ko sa tyan ko. 😭" "Bakit may mga babaeng Ang titigas Ng mukha? Sinubukan ko naman in-chat yung babae nya pero mas lalong kumapit yung babae nya sa kanya" Mga momsh, pumasok pa sa isip ko ang palaglag ang bata 😭 pero pero di ko magawa.. di ko Kaya.. pumapasok lang sya sa utak ko.. Minsan bigla nalang ako maiiyak, iniisip, Ano ba tong pinasok ko na sitwasyon. 😭😭 Mga momsh nag iisip naman ako ng mga positive thought pero mas matimbang negative. 😭 Feeling ko di na kaya mga momsh.. 😭 hirap maging strong. Nahihirapan na ako😭

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mami, i was also a single mom before, medyo same tau ng story. Napakadami ko question in life na bakit nangyari sa akin ang ganito. I have been a good daughter sa parents ko. Nakatapos ako ng college na hindi nag boyfreind dahil promise ko yan sa kanila na studies muna before personal lovelife. Nagka work ako after the graduation, i am an engineer.. to make it short hindi ako pasaway. Pero same sayo mi, nagtanong ako bakit ako pa sa dinami daming pasaway na girls around, ako pa ang naging disgrasyada. Nabuntis ako at 24 yrs old, he was my first boyfriend, my first time also but that first time ang nagpabago sa buhay ko na naging single mother ako. Bumagsak ang pangarap ko that time, inisip ko din na ipalaglag ang bata dahil hindi ako ready at iniwan din ako ni ex ko during pregnancy pa, devastated ako, nag resign sa work dahil nahihiya ako sa nangyari sa akin, nagtago dahil sa mga tsismosang nakapaligid sa akin. But God really had a plan talaga, naging single mother ako for 13 years, pinalaki mag isa without getting financial support from her biological father, pinag aral sa private school. And now she is 17 yr old and nag flash back sa mind ko yung nangyari sa akin when i read your story mi. I never imagine na malalampasan ko lahat ng struggles sa buhay ko, Physically, financially, emotionally. Kumapit lang ako sa parents ko at syempre kay Lord God. Ginabayan nya ako para malampasan ko ito. And today biniyayaan na ako ni God ng asawa na tumanggap sa past ko.. truly God has a plan for each of us, in Gods perfect time. I am happily married with 3 childrens (including my pregnancy now). I want to emphasize lang mi na mahirap today ang sitwasyon mo pero sigurado ako malalampasan mo yan basta i-surrender mo lang kay Lord ang problems mo.. Keep your faith mi. God will provide.

Magbasa pa
3y ago

Ang ganda ng story mo mommy kaka inspire.. i have a 2 year old daughter from my exbf (hiwalay kami dahil nanakit) then im 35weeks pregnant sa hindi ko sure if bf ko ba talaga or what kasi hindi pa kami pinapakilala sa parents niya, nasa medical field siya training resident so baka pressure lang sa work. Pero hoping na pag lumabas na si baby boy umokey lahat.

Related Articles