16 Replies

Hi Mami, i was also a single mom before, medyo same tau ng story. Napakadami ko question in life na bakit nangyari sa akin ang ganito. I have been a good daughter sa parents ko. Nakatapos ako ng college na hindi nag boyfreind dahil promise ko yan sa kanila na studies muna before personal lovelife. Nagka work ako after the graduation, i am an engineer.. to make it short hindi ako pasaway. Pero same sayo mi, nagtanong ako bakit ako pa sa dinami daming pasaway na girls around, ako pa ang naging disgrasyada. Nabuntis ako at 24 yrs old, he was my first boyfriend, my first time also but that first time ang nagpabago sa buhay ko na naging single mother ako. Bumagsak ang pangarap ko that time, inisip ko din na ipalaglag ang bata dahil hindi ako ready at iniwan din ako ni ex ko during pregnancy pa, devastated ako, nag resign sa work dahil nahihiya ako sa nangyari sa akin, nagtago dahil sa mga tsismosang nakapaligid sa akin. But God really had a plan talaga, naging single mother ako for 13 years, pinalaki mag isa without getting financial support from her biological father, pinag aral sa private school. And now she is 17 yr old and nag flash back sa mind ko yung nangyari sa akin when i read your story mi. I never imagine na malalampasan ko lahat ng struggles sa buhay ko, Physically, financially, emotionally. Kumapit lang ako sa parents ko at syempre kay Lord God. Ginabayan nya ako para malampasan ko ito. And today biniyayaan na ako ni God ng asawa na tumanggap sa past ko.. truly God has a plan for each of us, in Gods perfect time. I am happily married with 3 childrens (including my pregnancy now). I want to emphasize lang mi na mahirap today ang sitwasyon mo pero sigurado ako malalampasan mo yan basta i-surrender mo lang kay Lord ang problems mo.. Keep your faith mi. God will provide.

Ang ganda ng story mo mommy kaka inspire.. i have a 2 year old daughter from my exbf (hiwalay kami dahil nanakit) then im 35weeks pregnant sa hindi ko sure if bf ko ba talaga or what kasi hindi pa kami pinapakilala sa parents niya, nasa medical field siya training resident so baka pressure lang sa work. Pero hoping na pag lumabas na si baby boy umokey lahat.

I'm also a single mom of two. A 4 yrs old and 20 weeks pregnant ako ngayon.. different father. Yung una buntis plng ako noon nung nag separate kmi. Kasi parang hindi pa sya cgurado sa buhay nya. ahahah.. At ako nman I really wanted na magkaanak na nung tym na yun kaya okie lng sakin kahit na walang yung father. importanti yung baby.. And after kong manganak he realize na gusto nya kaming mabuo kaso late na pra bumalik sa amin. Even though wala pa akong partner noon. Ayuko lng kasi sa lalaki na walang panindigan..Pero sa ngayun okie cla ng anak ko at ng biological father nya. May communication nman cla. Sa second child ko. 1 month na nung nagkahiwalay kmi nung nalaman kong buntis ako. At first gusto nyang ipalaglag ung bata. Subrang gulo nag sitwasyon nmin ng ex ko noon. Hanggang sa pati ako naisipan ko ring ipalaglag yung bata pra matapos na yung gulo. Physically, emotionally, spiritually and financially di ako ready for 2nd child. 😢Kaso di ko kayang gawin at naisip ko yung 1st born ko. Mahilig kasi sya sa baby. Lagi nyang sinasabi sakin na gusto nya daw ng lil brother or sister. Naisip ko na kng ipalaglag ko yung baby at darating yung araw na malalaman nya alam kong kamuhian nya ako.😥😢 Ngayun di ko masasabing okie kmi nag ex ko pru he promise na tutulong sya sa mga gastusin ng bata. Pero i know na hindi nya parin tanggap yung baby. Kasi ayaw nya itong pag usapan. At ginagawa nya lng lahat ng iyun dahil sakin. Masakit lng kasi na wala syang pakialam sa bata, mas gugustuhin kong wala syang pakialam sa akin basta sa bata meron. At lagi nyang sinasabi sakin na wag na wag ko daw ipapakita ang bata sa kanya. Lagi kong pinagpray na sana darating yung panahon na magbago yung nararamdaman nya sa baby. Di man natin na iintindihan ang mga rason kng bakit tayo nasa ganitong sitwasyon pru alam ko na may magandang planu si God satin mi. Mag tiwala lng tayo..

Hi Mii. First of All.. Always Believe in God and keep your Faith in Him. He have plans for you. I was once a single mom for a twin girls. Un tatay ng ank q, nagtago. Pero di ko hinabol. I knew it will be very hard for me. Huhusgahan ka ng mga tao sa paligid mo for getting pregnant na walang tatay. That's exactly what happened to me. But then, pinilit kong di magpa apekto para sa anak ko. Nanganak ako sa public hospital ng kulang sa buwan yung twins. We spent 20days to be exact sa loob ng ospital. Ako lng mag isa s loob ng ospital dhl bawal ang kasama. Puyat, Pagod, Lungkot at takot para sa kalagayan ng babies ko yun kinakalaban ko. But I knew God was with me all those time. Nakalabas kame ng ospital and nabuhay at ngayon mag 10yrs old na ang anak ko. Isa lng kaya kong ipayo sayo. Mahirap maging single mom.. Yes.. Absolutely. But trust me.. Hindi mo pagsisisihan yan.. Magtiwala ka sa sarili mo lalo na sa Diyos. Hindi nya ibibigay sayo yang baby mo if you don't deserve that precious gift that He's giving you. Madami ang babaeng gusto magkaron ng anak pero kahit anong gawin hindi sila magkaron. So you're blessed dahil you have the capability na magkaron ng baby. Magtiwala ka lang kay Lord dahil hindi ka nya papabyaan.. And kung iicpn mo na bka wla ng ttanggap at magmmhal sau na lalaki..? No. That was wrong. Dahil meron at meron pa din yan. Kung wala man.. At least you have a child na sigurado ka ng mamahalin ka habang buhay. Alagaan, tanggapin at mahalin mo yun baby mo. Blessing yan. Trust me. God Bless and be safe.

hi momsh , ako nabuntis ng bf ko at first ayaw nya talaga sa baby namin at saakin 3 months ako iyak ng iyak halos nag makaawa na ako sinugod ko sya sa bahay nila kasi mag kapitbahay kami dame mga chismosa but 1 day nag iba na takbo ng isip ko naisip kona huwag sya habulin asikasohin kona lang sarili ko at anak namin . Nakipag hiwalay ako sa kanya talagang sa salita kilos palang kinaya ko buo na desisyon ko hiwalayan sya kasi naisip ko hahabol ako ng hahabol tas sya tago ng tago saamin. Ewan ko ba bigla na syang nagbago pumunta sya dito nakiusap sa magulang ko takot naman pala sya iwan namin ayon nagi na responsible . naiisip ko non na may anak kami aanhin ko pa sya e ayaw naman saamin mabubuhay naman kami wala sya 2022 na ngayon kaya na ng babae magwork huwag umasa sa lalaki Para saakin kayahin mo wala sya may anak naman kayo pero ni kamay ni hininga ng anak mo hindi hindi nya mararamdaman and if ever hanapin ka nya atleast di kana gaya ng dating ikaw na panay habol. hayaan mo sila mag sama ng babae nya dahil kong ano nagawa nya sayo kaya nya gawin ulit sa babae nya.

I was a singlemom before pero awa ng dyos nung pinagbuntis ko ung anak ko which is 7yrs old na ngaun btw, di ko naisip yan. Mag isa din ako nagbuntis before im just glad with my parents being my support system. Malaking tulong. Di ako nag-dwell s negative kase makakasama yan s bata. Maffeel nya din yan. More on ang inisip ko di na ako mag iisa… iwan man nila ako lahat may isang tao na never ako iiwan, na akin lang. Sana makatulong. Di kana mag iisa, malaking kasalanan lahat ng iniisip mo. Pag pinanganak mo na yan promise mawawala lahat ng negative sa buhay mo makita mo, puro happiness lng. Malay mo sya pala magdadala ng swerte s buhay mo. Hindi nagtatapos ang buhay mo dahil s mga walng kwentang lalaki. Im now pregnant with my 6yrs partner. Happy and contented. Its not end of the road gurl…. Fight lang. btw, ung partner ko sya na ung nakilalang tatay ng anak ko and mahal na mahal nya na parang kanya ung anak ko. Prayers lang sis. Focus on ur child. Magiging ok din ang lahat🙏🏻

almost the same tayo mi. ako naman may 1st born sa 1st husband ko kasal kami and 9yo na. nagkahiwalay kami this yr lang din kase paulit ulit nambabae. 12weeks preggy na ko sa bf ko ngaun kaya lang nagbago lahat mula nung nalaman kong buntis ako. i need to resign sa work dahil maselan pagbubuntis ko. pumasok sa isip ko na ipalaglag din ang baby kase sobrang nagbago na sya at feeling ko napakadisgrasyada ko din. ung dating mahal na mahal ako ngayon wala na. parang naging burden ako sa kanya dahil wala akong work. pero kelangan ko tatagan ang sarili ko for my baby. ngayon hinahayaan ko na lang saka na lang ako magdesisyon kung maghihiwalay ba kami after ko manganak. pero hopefully maging okay na once lumabas si baby ko. kapit lang mi. may plano si lord. tatagan mo lang. di ka nag iisa.

praying for you and your baby mie. I pray that the Lord will give you peace of mind and strong heart. just keep on going Po pra Kay baby. marami pa pong mas deserving na lalaki jaan ung pra Po sa inyo tlga. Jesus loves us above all. not the same situation with u pero I tried din na ipaglabn ung ex ko and spoke with his new gf noon pero napasama lang Po aq. it became worst lang and I got so depressed pero si Lord na gumawa ng way para malayo Ako sa ex Kong un. now I am happily married and sa biyaya ng Diyos magiging soon to be mommy na din. just keep the faith mie, Hindi Po tau pababayaan ni Lord.

hi mami. laban lang po tayo. yung sakin naman, hindi man lang pinaabot ng wedding anniv namin, kumabit na agad 🤣 tas 6 months pa yung baby ko. ginawa ko naman lahat. lumuhod pa nga para magmakaawa na kami piliin nya. ayun, sa kabit parin talaga sya pumunta. una, hindi madali. masakit eh. pero ginawa ko yung lahat para ma divert yung attention ko. bumalik ako sa mga hobbies ko. naging strong ako dahil sa anak ko. kaya now, super na ok nako. ☺️ kung nakaya ko, i know makakaya mo yan mami. kaya laban lang. ipakita mo na hindi sya kawalan. let your kid know how much you lover her/him.

single mom din ako iniwan sa eri nong nalaman nyang buntis ako and now 2 yrs old na baby ko ng walang financial galing saama..kumapit lang sa magulang at dasal kay god .nakayanan ko namn at ngayon laking pasasalamat kay god binigyan nya ako ng lalaki na hindi mapag panggap im currently 5weeks and 2 dys pregnant..wag mawalan nang pag'asa lalo na sa bby mo wag mo e give up

hi mommy same po tayo ng situation pero need po maging strong lagi nyo po tandaan na may darating na right guy for you and youre baby na tangapin ka po ng buo at ng baby mo sa akin po kasi is tinangap niya ng buo at wiling siya maging ama ng anak ko may right time po sa lahat wag ka po mawalan ng pag asa god bless

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles