Vent Out
Mga momsh, sobra akong naiinis ngayon. Nawawala kasi gamit ko na bigay ng tita ko, ngayon ko lang napansin. Hinala ko yung mga pamangkin ng hubby ko since sila lang pumapasok sa bahay namin at mahilig sila mangialam ng gamit. Hubby ko kasi okay lang sa kanya ginagalaw mga gamit niya pero sakin ayaw na ayaw ko ng ganun, maliit man o malaking bagay. Gusto kong kausapin si hubby kaso baka maging masama ang dating. Ano bang dapat na gawin, mga momsh? Kung kayo nasa situation ko. Madalas tama kutob ko eh. Okay lang ba sa inyo na galawin gamit niyo kahit maliit na bagay?