birth experience

Mga momsh. Share namam po kayo ng nangyari sa inyo at nafeel nyo nung nanganak po kayo. Kung pano kayo naglabor, tinurukan, hiniwaan sa pempem at tinahi... At alin po yung talagang masakit na part ng panganganak. FTM here. Salamat po sa mag-share. Curious lang po. Resepct post na din po.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang naexperience ko nung nanganak ako..40 weeks and 3 days.. 3:30 am sumakit puson ko till one hour then nung umihi ako may lumabas na dugo na parang sipon sabi ko ky hubby baka manganganak na ako Kaya prepare na gamit punta lying in.. Unexpectecly.. 7:00 am May parang liquid na lumabas sa Akin yun pala panubigan kaya naligo ako at pumunta kami agad sa lying in.. Pag ie sa Akin 1 cm Pa lang kaya uwi muna daw kami.. Pero habang pauwi palang kami patuloy Pa po pagleak ng water bag ko kaya sabi ko wag n tayo uwi balik tayo lying in.. Pero pumunta kami rhu ng barangay namin pgdating doon ie ulit.. 2cm palang at sabi baka emergency cs na daw kaya binigyan n kami ng referral para sa hospital n ako manganak.. Kaya tumawag cla ng ambulance ng munisipyo para ihatid kami sa hospital na 3 towns ang pagitan since kasagsagan ng ecq.. Then pgdating sa hospital 11:30 am konting interview tapos ie ulit ng midwife 2 cm parin pero sabi nya pwede ko daw I normal kahit posterior placenta ako.. 12:00 ng tanghali admit n ako.. Dextrose tapos may tinurok na antibiotic tapos pagdating ni hubby pakakainin n sana ako kaya lng pinigilan xa ng isang nurse kaya ihinatid n ko ng emergency room.. Pgdating ng er 1:10 pm turok ulit sa dextrose that time pampahilab na I think 2 shots un.. At siniksikan ng 4 pcs ng eveprim ng midwife at sabay monitor ng heart beat ni baby.. After few minutes start ng labor pain.. Every hour ie ngproprogress ng 1 cm per hour till 5:10 pm.. Doon ngstart ung unbearable pain and contractions halos sabunutan ko sarili ko sa sakit.. Until 11:30 fully dilated na.. Pinaglakad lakad Pa ako 11:45 sa Delivery room lakad ulit tapos pinahiga na ako at pinaire na nakailang push ako and 12:40 am baby out..sa kabutihang palad di ako nahiwaan or natahian.. kahit first time ko nanganak.. Ngayon 3 months old n c baby at makulit n rin..

Magbasa pa

Nag do kami ni hubby on my 39th week and 6th day para tumaas ang cm ko. 1cm pa rin kasi ako that time. Then nung madaling araw na, nakakaramdam na ko ng mild na hilab na sinamahan ng paninigas na every 5mins kaya hindi na ko nakatulog. Then pag cr ko, may bloody show na kaya ginising ko na si hubby para magpunta ng hospital. Naglakad lang kami papuntang hospital kasi kaya ko pa naman and para tumaas pa cm ko. Pag dating ng hospital, 4cm nako kaya inadmit na nila ako. Tagal kong naistock sa 5cm tas nung 5pm na, pumutok panubigan ko, ayun lalo nang nag dilate yung cervix ko at sobrang sakit na nya kaya tinurukan nako ng epidural na pumalpak (kalahati lang ang namanhid) kaya nanganak ako na ramdam ko ang sakit, pag gupit sa keps, saka pag tahi 😂. May nilagay lang silang gamot sakin para makatulog ako pero nagigising gising ako sa sakit. Total labor ko is 19hrs.

Magbasa pa

Hi mommy first time mom din ako and very very bearable lang po. Talagang kapakanan lang ni baby ang iniisip ko sooo di ko na naramdaman ang sakit haha. Tuesday yun nung nag1cm ako. Tapos friday nagstart na ako makaramdam ng sakit pero sobrang bearable lang talaga haha para ka lang matatae na hindi pa malabas. So nagpineapple na ako ng nagpineapple. Tapos ayun sabado namasyal pa ako sa Trendsetter sa Megamall nun. Haha tapos sunday nanganak na ako, March 8. Embrace the pain lang mommy and ayun kayang kaya talaga sya.

Magbasa pa

Pinakamaskit na nangyari lalo na FTM din ako ung paglalabor momsh.. Sobrang skit as in ung tipong gustong gusto mo na tumae pero d pdeng umire kc bka humaba ulo ng baby ska bawal umire habang d pa pumutok panubigan mo kc mawawalan ka ng lakas kung sakaling manganganak kna.. Mas msrap sa pakiramdam momsh ung pag push mo tpos hinihila si baby sa pempem mo. Tahi yes maskit sya after lalo na pag umupo ka.. D ka mkagalaw ng ayos kc sobrang skit ng pempem mo... For my xperience hehe

Magbasa pa
VIP Member

2am nagising aq dahil sa naiihi ako. Tapos feel ko laging my pumapatak na tubig sa pempem ko. Kaya ayun tinakbo naq sa hospital kahit no pain dahil feel ko din paramg manganganak nako.. 4cm na pala ako.. 6am nag start sumakit ng sobra sobra ang tyan ko diko talaga kinakaya bawat hilab. At 10 30 8cm naq dahil lakad aq ng lakad sa hospital dahil sa sakit.. 11 52 babys out.. Sobrang thank ful dahil nailabas ko siya. Pero diko kinaya talaga ung tahi. Sobrang sakit

Magbasa pa

Labor po sa 1st baby ko ang pinakamasakit na naramdaman ko. Ung tipong gusto ko na umire kaso i-hold ko daw dahil wala pa sa pwerta yung ulo sabi ng nurse. Sa sobrang di mo mapigilan, kalahati ng katawan ko nanginginig na hahahahah tapos ung asawa ko umiiyak sa sobrang nerbyos hahahahaha at ng lumabas na si baby, parang natanggal yung bituka ko. Ang sarap sa feeling 😊 nililinisan ung pempem ko at tinatahi ng gising hahaha nakikipag usap ako sa ob ko 😁😅 hahahha

Magbasa pa
5y ago

Sa mother ko po kasi pinutok daw mismo sa ospital yung panubigan niya tapos sumabay na din daw po yung blood. Natatakot talaga ako manganak ftm ako 😔

Labor pinakamasakit for me. Nag labor ako for 19 hours. Nung hindi ko na kaya, I decided magpa CS kasi ang tagal ko na 6cm, pinutok na panubigan ko pero 6cm pa din. Epidural didnt work for me to the point my anaesthesiologist panicked kasi naubos ko yung epidural pero ang sakit pa rin. Nung ni-cs ako, hindi ko na naramdaman yung turok sa likod, wala na. Okay na. Ang bilis din ng recovery ko. My baby is now 5 months. Ang bilis ng panahon..

Magbasa pa

Aq naman po as a FTM swerte q kc d aq nkaramdam ng mga sakit sa likod or balakang,saakin lng is ung parang ihing ihi kna tapos wala nmang lumalabas ,un po masakit sakin at saka nong pag IE ng ob sakin after manganak at bago ilipat sa ward(public hospital) un po pinkamasakit at nagpahirap sakin kc parang nhiwa ulit ung tahi q sa ginawa nya (maliit kc ung daliri daw niya kaya ganun nlng kung isagad niya hahahahah)

Magbasa pa

hindi mo naman na mararamdaman yung gupit at tahi ng pempem. ang mafifeel mo ng bongga yung labor. yung di mo alam san nangagaling yung sakit na nawawala at bumabalik. pag lalabas na si baby mararamdaman mo yung kusa ka ng naiire at nangangatog na tuhod mo. pag nakalabas na si baby para kang nahipan na biglang wala lahat ng sakit ng labor at dimo na namamalayan napapapikit ka na dahil sa anesthesia..

Magbasa pa

Base on my experience sa panganganak ko subrang hirap lalo na sa first child ko mga 8pm pa ako non pumunta sa hospital kc sumasakit yong puson ko hggang sa umbot ng madaling araw na lng mga 6am na ako nanganak non grbe pala pag ganon ano walng tulog2 pero ngyon sa second bby ko buti na lng hndi ako mtgal pinhrapn swrte ko pala dhl d ko pa na experience yong sinsabi nilang tinatahi kpa

Magbasa pa
Related Articles