birth experience
Mga momsh. Share namam po kayo ng nangyari sa inyo at nafeel nyo nung nanganak po kayo. Kung pano kayo naglabor, tinurukan, hiniwaan sa pempem at tinahi... At alin po yung talagang masakit na part ng panganganak. FTM here. Salamat po sa mag-share. Curious lang po. Resepct post na din po.
Naramdaman ko yung pain nung nag 8cm na ang cervix hanggang sa di nako mapakali. Yung feeling na sobrang sakit ng tyan mo kase natatae ka pero ayaw lumabas. Di nyo naman po mararamdaman yung mga pagpunit or pagtahi. Pero depende din po siguro kung mataas ang level ng pain endurance mo. I gave birth without epidural kase😅
Magbasa paSa paglilabor ako nahirapan ng sobra almost 24 hours ako naglabor di ako makatulog makakain ng ayos kasi mayat maya sumasakit puson ko..pero nung nanganganak nako wala ako naramdamang sakit ramdam ko lang paglabas ni baby...pero nung tinahi na ang ari ko naiiyak ako sa sakit kasi ramdam ko talaga yung tusok ng karayom
Magbasa paAs a first time mom sobrang hirap po kase sa paglalabor pa lang sobrang sakit na Lalo na nung tinurukan pa ko ng pampahilab di kase nababa si baby yun pala nakabuhol ang pusod niya hirap na hirap ako umire akala ko mamamatay na ko nun. Sa awa ng diyos nailabas ko baby ko ng ligtas tapos malusog.
para po sakin labor ang pinaka masakit kasi pag lumabas na sa baby sarap feeling ung tinatahi kasi prang kagat na lang ng langgam pra sakin 😅
Pinakamasakit yung paglabor😂
Strong Momma of Callie