Positive sa PT pero Negative sa trans V.

Hi mga momsh. May same case ba dito sakin. Last mens.ko sept.1-4 so dapat oct.1 dadatnan ako kasi regular naman mens.ko buwan2x. Pero hindi ako nagka mens. Oct. 12 nagpt ako positive, inulit ko kinabukasan para sure dalawang pt gamit ko positive parin. Tapos nung oct.22-25 nag spotting ako mahina lang talaga pantyliner lang gamit ko. oct.25 nag decide ako magpa check up kasi worried na ako, then advice ng ob ko for trans v. Ako that day, so ayun after TVS nanghina ako kasi walang sign na preggy ako 7weeks and 5days na sana tyan ko that time if mag base sa LMP ko😢.. at nakita rin na may polycystic-like ovaries ako. Huhuhu nakakalungkot Naman😭😭😭

Positive sa PT pero Negative sa trans V.
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman sa pinag ooverthink kita mamsh, pero kasi ganito nangyari sa akin last 2021 Akala ko preggy ako 3months kasi may signs ako ng pregnancy and Positive pt ko. Akala ko talaga sure na pag ganon.(Regular kasi mens ko) Tapos nag Pa TransV ako may nakitang ovarian cyst sa both ovaries ko. Nanlumo ako kasi nga yung inaasahan naming baby is wala talaga. Then nawala na regla ko ng 1year Tapos this year napag desisyunan ko na mag paopera kasi hindi na normal yung pakiramdam ko. So Feb.2022 Naoperahan ako at natanggal left ovary ko may nakuha silang Germ Cell Tumor(Cancer) stage 1 Pero negative ako sa metastasis kaya hindi na ako nag pachemo. And Oct.3 nadelay ako, Sakto 1month yon ng delay ko nag PT ako and Positive ulit siya, Then kahapon nag pa TVS ako kasi natatakot talaga ako baka maulit yung nangyari and Thankful ako kasi ang bait talaga ni lord, Healthy yung baby ko and narinig ko narin heartbeat niya. Kaya mo yan, Pray lang. 😘

Magbasa pa