Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.

Sobrang nacurious ako sa cases nyo, kids. Honestly, cultural ata yang fear na yan, lalo na sa ating mga pinay at lalo na pag di ka pa married. I swear it doesn't change. I got pregnant at 38, tinakasan ako ng tatay (ok lang wala syang silbi, magandang lahi lang). I told my parents via skype kasi nasa abroad sila nakatira. takot na takot ako kasi freelance artist ako so i still ask them for help sometimes. Nag resign kasi ako 5 years ago from a really good job para lang mag asikaso sa business ng tita ko na maliit lang ang kita. Sows, nanay ko sabi sa kin kung kelan daw ako tumanda shaka ako humarot (shempre di nya alam na matagal na ko maharot ππ gusto ko na kasi mag anak sa edad ko pero ayoko mag asawa). Dad ko sobrang cool. Asked me what i needed. Sabi ko love lang. Di daw magbabago ang love. Sayang di ako nakahingi ng 100k charot. Fast forward to now, i have a loving LIP. Umuwi dad ko for a vacation. We told him na i am 3 months preggy and he is always as happy. We are still figuring out how to tell my mom. 40 na ako ngayon. πππ Dinamay ko pa tatay ko sa task of telling her. Bilin nya kasi sa akin 3 months ago nun nag visit ako sa kanila, na wag ako gagawa na naman ng kalokohan. Super conservative ng mom ko kasi. Anyway, we will always be our parents children ( kahit ano age natin) who they will love unconditionally. Better tell your parents as early as possible. Marami pang mas malungkot na bagay kesa malaman nila na buntis ang anak nila. Chin up, girls, life will always get better.
Magbasa pa

