Rashes sa mukha ni baby

Hi mga momsh ,pahelp nmn po ano po pwd gamot o gawin sa rashes ni baby q 1mons.18days na po sya ...tpos dagdag q lng dn po madalas dn po sya maglungad pagktpos nya mag burp ,malimit dn po barado ilong lalo na po sa madaling araw ,at pagkadede dn po ilang mins. at oras lng nagpopoop po sya ...any advice po Salamat po

Rashes sa mukha ni baby
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy mas mainam magpcheckup sa pedia para mabigyan ng tamang gamot. Ung baby ko nagkrashes cia around ganan age, atopic dermatitis ang findings. Nagreseta ng gamot cream. Plus kung breastfeeding ka po madami bawal sa mommy na food like seafood, fish, okra, talong, citrus food and processed food. Pinalitan ang baby wash to cetaphil. Pag daw hnd nag okay, papalitan ng mas mild. Kung formula nmn mommy, lactose free ang irereseta na gatas. Wag nyo po pahiran ng kung ano ano, baka mas lumala. Gumamit ako ng acne soothing gel ng tiny buds, hindi po gumaling. So far, lumalabas pdn ung rashes sa mukha pag po nagpapalit ang panahon. Nilalagyan ko lng ng nreseta na cream.

Magbasa pa