SSS Maternity Benefit
Mga momsh pahelp baka may naka encounter na sa inyo anong ginawa nyo. Nakunan ako last Feb. 29, 2024 and may nakuha ako sa employer ko na SSS benefit. Napasa ko na twice lahat ng required documents sa employer and lahat ng needs nila nasasagot ko naman kaso sila lang tong hindi responsive so akala ko okay na. Ang kaso nagresign ako this June 2025 kasi pregnant ako ulit and ayoko na irisk yung health ni baby. Nag email ulit sila about SSS na need ko iapprove sa SSS portal yung maternity reimbursement na finile nila. Na-approve ko na kaso nag email naman si SSS na rejected and pinapasubmit ulit lahat ng docs. Ito namang employer may sinend na soft copy na need ko papirmahan sa OB na nagraspa sakin before. Like 1 year ago na yun. Naghulog na din pala ako sa SSS for voluntary. Ayoko na sana asikasuhin dahil fault naman nila yun. More than a year na wala silang update if okay na then ngayon nila ako pag aasikasuhin, wala naman na ko sa company. Makakapagfile kaya ako ng panibagong maternity benefit if may rejected application na ako sa SSS ko? #Needadvice


