walang manas
mga momsh ok lng po ba na wala akong manas ngayon d po ba ito makakaapekto kay baby pag lumabas na sya? I'm on 38 weeks right now pero wala pa din manas. may nakapagsabi kasi sa akin pag d dw ako namanas ngayon baka kay baby dw mapunta at mag yellow yung kulay nya paglabas.. worry lng po talaga ako😔#advicepls
Ang pagmamanas ay dahil sa pag slowdown ng blood circulation sa paa or any part ng katawan. And hindi naman mandatory ang pagkakaroon ng ganyan. For me, mas okay nga na walang nangyaring pagmamanas kasi ibig sabihin all goods ang blood circulation eh. Ang alam ko walang kinalaman ang pagmamanas sa pagkakaroon ng jaundice ng baby. Kasi sa experience ko hindi ako nagkaroon ng manas, pero hindi din naman nag yellow si baby pagkalabas. 🙂
Magbasa paOk lng un mommy mas nkakatakot pag minanas ka ako sa first baby ko un lge bnatay ng ob ko kc pag minanas ka mas mhirap un... Mas mgnda lkad lkad mommy para healthy kauni baby... Ako 24 weeks din ngayun... Wla akung manas... Lage ko tinataas paa ko pag umupo tas lakad lakad... Ako pa nga nglalaba kc ayaw ko pag laba ng iba di ako satisfied heheheh... Kaya... Galw galw din save ng ob... Para ma excercise... Ktawan ntin...
Magbasa paHahaha no no no mamsh. although edema (manas) is COMMON in pregnancy, NOT every women experience it. Because every pregnancy is different. So count it as a blessing na hindi ka nagmamanas kasi maraming buntis na kahit anong gawin nila di mawala wala manas nila. Mas delikado po yun. Isa ako sa mga mapalad na hindi din nagmamanas until now at my 39 weeks. 😌🙌
Magbasa paNaku momsh tinatakot ka Lang nun heaLthy pag waLang manas! Grabe naman yun imbis na di ka kwentohan ng katoxican kasi manganganak ka na bibigyan ka pa ng paLaisipan.,Bright side ka Lang Lagi at sa OB/doktor ka Lang makikinig 💞😇
Mas mainam momsh wala kang manas, and mas safe ang iyong pagbubuntis, kase po like me na minanas during pregnancy, nauwi sa emergency cs dahil sa pre eclampsia.. Hindi po healthy kapag may manas kaya wag nyo po hintayin pa na manasin kayo ☺️
Hala! so sad po kau dahil walang manas? Yan nga po hinihiling ng iba kc ibig sabihin ur in a right track. 🤔 Kaya nga sabi ng OB ko if manasin ako punta ako sa kanya. But Thanks God 24 weeks na ako wala pang manas. Iba kc early namanas.
ako di ako namanas. means healthy ka. kaya ka namanas dahil sa fats na kinakain mo at rice. tsaka gagalaw galaw ka lalo na kung malapit kna manganak. baka mahirapan ka pa manganak kapag manas ka
ok lang naman manasin. normal ksi yn. wag lang un manas na may kasama high blood. un po ang delikado. kaya lakad lakad and. more water lang po. iwasan nkaupo matagal at nkatayo matagal.
Hi mommy. Nung pagbubuntis ko never ako namanas. Normal naman lahat kay baby nung lumabas siya. yung yellow po na sinasabi niyo po is jaundice which is normal sa newborn. :)
ako hindi ako naranasan magsuka mahilo at magmanas . pero wala naman problema yun. ibig sabihin hindi masilan magbuntis.