Pawising Baby

Hello mga momsh, ngayong tag init grabe na magpawis si LO. Ano po ginagawa nyo para di matuyuan ng pawis sa likod? Umorder na po ako ng mga back towel ni LO sa tiktok. Ask lang po if maatutuyuan pa rin po ba si LO kung hindi napalitan agad yung towel sa likod? Mas ok po ba kung kitchen towel or tissue nalang? Thank you po sa sasagot 🙏

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin mga mommies i prefer talaga yung ichecheck ko yung likod ni baby at the same time mommy tinatagilid ko si baby para di mainitan talaga yung likod tas naka electricfan sya and yung pwesto nya is nasa pinakacoolest area na ng bahay namin. Kapag tinagilid mo si baby okay lang nakatapat sa electrrict fan basta malayo sa likod nya tas polbo den to avoid rashes kapag nagkapawis

Magbasa pa

idk but towel sa likod doesn't make sense to me. kasi for me kaya nga punasan yung likod kasi may pawis tapos lalo mong lalagyan ng towel edi mas mainitan sya at the same time andon yung stock na pawis? hahaha ewan kaya never talaga kami nagkasundo ng towel na yan😆 Pag sanduhin mo nalang anak mo + ligoan mo + electric fan. wag mo pagsuotin ng damit na tago liig at kamay.

Magbasa pa
8mo ago

mi naisip ko din yan..mas mahlalagay ng towel sa likod tapos di rin nmn mapapalitan agad..or if madalas magapalit ng towel prang ang goal dun is nakatipid ka sa damit, sa pagsusuot ng damit...mas sure tlga para sakin punas at palit ng damit..

ako din yung kitchen towel na nabibili sa shopee mas maganda yun kasi absorb talaga ang tubig tapos makikita mo kung basa na. Baby boy sakin kaya yung pinapasuot ko yung musle sando na malaki ang butas sa gilid tapos wala na short diaper lang kung nasa bahay lang.

konting powder + tissue po tlaga gamit ko ever since then still monitoring sa likod ng Lo ko. medyo malakas kami sa tissue just to make sure na hindi sya matuyuan ng pawis. mas mainit po kasi sa likod ang towel

Check niyo po lagi likod niya mi kung basang basa na towel palitan na po agad tas isampay muna yung basa para pag basa nanaman po yung isa ipalit nanaman po yung isa.

much better po tissue kaysa towel momshie kasi makikita mo agad if basa na but still need mo monitor pa din para mapalitan

ako laging kong pinapahanginan c baby.. elctrc fan.. tska maya2 check sa likod para punasan kung may pawis.

TapFluencer

ipagsando mo lang SI baby, at monitor mo lagi damit nya kung basa na palitan mo agad para Iwas sakit

wag hayaan na matuyuan ang likod ni baby. pwede naman any towel as long as hindi magaspang sa balat.

bili k ng air-cool na sando mi, ganun ginagamit ng baby ko, mura lang yun 14 pesos isa