Advice

Hi mga momsh need po ng advice kung san po mas maganda manganak if private or public po ?. nag aalangan po kasi ako sa public kasi baka di po kami ganun ma asikaso ,while sa private naman po mapapamahal. 6mos pregnant. TIA.

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa first na anak ko, grabe trauma ko sa public hospital. hindi naman sa paglalahat ah, pero dun sa public hospital na pinaganakan ko eh, sakit na sakit na ako sa labor, kung anu ano pa pinagsasasabi sakin. kesyo yan daw kasi ang libog libog ko daw. hindi nya naman alam anong history ko para sabihin yun. mag work na kami parehas nun, at kasal na din. pero dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi na ako nakipagsagutan. tapos nung tinatahi na ako (normal delivery) sinasadya nung nagtatahi na saktan ako, ramdam na ramdam ko para na akong mapasigaw sa sakit. tapos nagkataon pa nun ang daming nanganganak, kaya sa isang bed, tatlo kaming naghahati hati. syempre, yung baby ang papahigain mo, di ang ending nakaupo ka. yung isang kahati ko sa bed, CS sya at kitang kita sa muka nya yung hirap at sakit kasi di sya makahiga. kaya yun, mula nun, sabi ko sa sunod na baby ko pagiipunan talaga naming magasawa ayoko na magpublic. at thankfully ngayon na buntis ako sa second child ko, nakaipon ipon naman kami kahit papano.

Magbasa pa
6y ago

yun nga din po inaalala ko 1st baby ko po to kaya natatakot ako na baka hayaan lang kami dun. pero may private ob naman po ako.