mga momsh need ko ng advice. Dati kc dun kami sa bahay ng nanay ko nkatira wid my boypren. Wala naman akong hinihingi sa kanya (share sa utility bills mga ganun,share sa pagkain wala rin)
Napilitan kami lumipat sa kanila kc ire renovate ung bahay namin. So ito na nga,wala akong trabaho c boypren wala rin pero may source naman clang pamilya. Dumating na electric bill nag add lang naman ng 1500pesos kc nga c baby di pwede di naka aircon dahil may atopic dernatitis cya pag pinawisan cya nagkakapantal pantal at ang tagal mawala. Sinabi sakin ni boypren na tumaas daw ang electric bill ng 1500,so parang nahiya ako. Nagbigay ako ng 1000 (sa loob2 ko di ko ineexpect na ttanggapin ng mother in law ko un kc alam nya namang wala akong source of income) savings ko lahat ng ginagastos ko sa baby ko. Minsan lang makabigay c boypren pag ginigipit ko na talaga cya kc ako nalang lagi. Btw may pera cla kc nakabenta cla ng lupat bahay pero walang negosyo,pa start palang. Anu bang dapat kong maramdaman o isipin towards dem? ?
Anonymous