17 Replies

ang pagkakaalam ko mi sa lying in kasi hindi na nagpapaanak ng first baby, kung gusto mo padin manganak sa lying in hindi mo magagamit yung philhealth mo kasi madedetect daw ng DOH na nagpaanak sila ng first baby. much better siguro mi kung sa hospital ka nalang atleast dun sure na magagamit mo philhealth mo, possible pang ma zero balance ka.

VIP Member

Kung bayad po kayo sa contribution sa Philhealth ihonor pa rin naman nila kahit lying ka pa po manganak pero may babayaran ka pa rin sa kanila . Not unlike sa public hospital pwd pong wla kang bayaran basta may philhealth ka.Sa lying po ako nanganak at accredited sa philhealth. Nabawasan din ang binayaran ko sa lying kc may philhealth po ako. NSD po ako

Meron sis. First baby ko sa lying in nagamit ko naman philhealth. Check ka ng ibang lying in na pwede tumanggap ng first baby

Sa philhealth mi kung credited ang lying in na papaanakan mo, mababawasan lang non ang bill mo. Pero if tinutukoy mo kung may makukuha ka na pera sa philhealth once nanganak. Wala po. Sa SSS Maternity benefit kung may hulog ka doon pwedeng doon may makuha ka kung maqualified ang hulog mo. Kahit sa lying in ka nanganak.

GANITONG GANITO YUNG PROBLEMA KO. LYING IN DIN AKO MANGANGANAK ANG KASO KAPAG 1ST BABY DAW DI DAW NILA ACCREDITED YUNG PHILHEALTH TAPOS ANG SINGIL SAKEN 20K-22K SAYANG KASI SA PERA. INIISIP KO MAY IBA PA AKONG PAGKAKAGASTUSAN LIKE MGA ESSENTIALS NG BABY KO. KAYA INIISIP KO KUNG MAGINQUIRE AKO SA IBANG LYING IN NA ACCREDITTED NG PHILHEALTH..

ILANG WEEKS KANA PO? AKO KASI KABUWNAN KO NA PO NGAYON.

nagtry kasi ako enquire sa public hospital, dami pala kelangan. Dapat daw may record muna sa baranggay at dun nagpapa check-up para ma refer sa hospital. Nagtatrabaho kasi ako kaya medyo hirap dinsa schedule kaya di ko maasikaso yung process sa brgy. Thank you Mi sa pag sagot.

Depende po cguro sa lying in. Ako din nanganak first baby. Dun ako nag papa check up kasi philhealt accredited din. Magagamit ko daw. Pero yung nk panganak na ako sinabi na hindi daw covered ang mga first baby. Kaya na sayang lng philhealt ko

Lying in din ako manganganak and doctor sa private hospital yung ob ko which is yung magpapaanak sakin. 30k pag walang philhealth and 20k pag may philhealth. Kahit lying in kanya and first baby ko covered pa din daw ako.

ako rin sa hospital ako nag punta pero nag decide mag lying in pero private. tinanggap naman ako dun kahit ftm basta lang OB parin ang mag check sayo lagi. at philhealth accredited rin sila.

Try mo kung pwede ang SSS maternity benefits sa Lying in,pero mukang malabo kase lying in nga lang sya.

May makukuha ka talaga dun pag qualified ka pero di yun katulad ng philhealth na gagamitin mo sa hospital at lying in. Yung sss cash mo matatanggap. Yung philheath kabawasan lang sa bill mo. Magkaiba po yun.

dipende po sa lying in pero hanap po kayo ng lying in na accredited ng Philhealth para magamit niyo po

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles