problema sa byenan

Mga momsh, maglalabas lang ako ng saloobin. Hirap kasi nung byenan ko e. Alam kong bawal ang tubig sa baby lalo na ang baby ko wala pang isang buwan. Pero pinapainom nya pa rin. Kaya ngayon basa lagi sa pawis anak ko at panay ihi. Tapos pinapainom rin nya ng katas ng ampalaya di ko alam kung pwede yun sa baby. Yung tiki tiki rin gusto nya ilagpas sa 0.25 ml yung sukat kasi wala naman daw kaso kung damihan dahil vitamins lang naman daw yun. Naiinis na ko mga momsh kasi nahihiya rin ako pagsabihan baka magalit. Hays. Tapos minsan pag umiiyak si baby tapos hindi ko mapatahan, kinukuha nya bigla sakin. Feel ko mga momsh pinaparamdam nya sakin na wala akong kwentang nanay, na di ko kayang alagaan anak ko. Nakakadepress lang. May minsan pa na nilalaro ko ang anak ko. Karga karga ko gusto nya agad kunin sakin e nag eenjoy pa kong laruin anak ko. Nakakainis mga momsh. Hindi ko rin masabi sabi sa asawa ko kasi sumusunod lang din sya sa gusto ng nanay nya. Hays. Di rin kasi ako makauwi samin dahil tawid pa sa dagat yun.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan mil ko nun sis. Gusto painumin anak ko ng tubig na alam ko ng di potable. (galing sa falls)nakakapagpagaling daw yun sabi niya.. Haha. Pero syempre pinilit ko wag painumin.snabi ko sa asawa ko. Tas mil ko pa nagalit nun.di niya ako inimikan. Diko rin inimikan.tas nung mejo malaki na baby ko bnibigyan nila ng sweets,sabi ko hindi pwede.pero tigas pa din ulo. Jusko.

Magbasa pa