problema sa byenan

Mga momsh, maglalabas lang ako ng saloobin. Hirap kasi nung byenan ko e. Alam kong bawal ang tubig sa baby lalo na ang baby ko wala pang isang buwan. Pero pinapainom nya pa rin. Kaya ngayon basa lagi sa pawis anak ko at panay ihi. Tapos pinapainom rin nya ng katas ng ampalaya di ko alam kung pwede yun sa baby. Yung tiki tiki rin gusto nya ilagpas sa 0.25 ml yung sukat kasi wala naman daw kaso kung damihan dahil vitamins lang naman daw yun. Naiinis na ko mga momsh kasi nahihiya rin ako pagsabihan baka magalit. Hays. Tapos minsan pag umiiyak si baby tapos hindi ko mapatahan, kinukuha nya bigla sakin. Feel ko mga momsh pinaparamdam nya sakin na wala akong kwentang nanay, na di ko kayang alagaan anak ko. Nakakadepress lang. May minsan pa na nilalaro ko ang anak ko. Karga karga ko gusto nya agad kunin sakin e nag eenjoy pa kong laruin anak ko. Nakakainis mga momsh. Hindi ko rin masabi sabi sa asawa ko kasi sumusunod lang din sya sa gusto ng nanay nya. Hays. Di rin kasi ako makauwi samin dahil tawid pa sa dagat yun.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganito, sabihin mo kunwari may nabasa ka sa post na hindi pwede mga gingawa nya at nakakaharm sa babies. Alam ko bawal naman talaga tubig sa babies up to 6mos. Lalo na kung breastfeeding kasi may water na yun. Tas sabihan mo baka maoverdose ung baby sa vitamins, na dapat kung ano lng naka indicate dun sa age ng baby un lng dapat ang sukat. Mainindigan ka dn dapat, di ung pinapahalata mo na pwede ka lang nyang ganyanin. Try mo pagsabihan. Didistansya yan. Baka akala nya wala ka alam sa pag alaga. Just saying lang mamsh. 😊

Magbasa pa