Needs advise

Mga momsh madamot bang matatawag yung sasabihan yung asawa na wag magbigay sa magulang dahil hindi na nya obligasyon magulang nya dahil may anak na sya. 1 yr old na baby namin and ngayun lang nakapagwork ang asawa ko. Dati ako nagwowork at asawa ko nag aalaga sa anak namin. Since pandemic nawalan ako ng trabaho kaya nagpalit na kami ng sitwasyon asawa ko na nagwowork at ako nag aalaga sa anak namin. Kaso etong byenan ko kahit unang sahod palang ng asawa ko hiningan na kagad nya ng pera. Eh nung time na walang wala kami wala man silang nabigay na tulong samen kapag walang milk anak ko sasabihin lang nila wala kasi akong pera kaya buti nalang to the rescue ang family ko. Ang nakakainis lang dito naman na kami nakatira sa bahay ng mama ko at hindi sa bahay ng byenan ko pero kung makahingi sya ng pera every sahod ng asawa ko kala mo sya ang asawa dahil sya pa nangungunang manghingi. Yung asawa ko naman bigay ng bigay. Pero sa family ko na tumulong samen wala man kaming maibigay. Sinabihan ko na din asawa ko na kami ang ipriority nya kaso hindi nya matangggihan nanay nya everytime na manghihingi. Ano ba ang dapat kong gawin? PS. May work pong pareho ang byenan kong babae at lalake. Dalawa lang anak nila asawa ko at hipag ko. Kaso ang hipag ko nag asawa nadin. In short ang pera ng mag asawa sakanila lang napupunta. Tapos hihingi pa sa asawa ko. May ganito ba talagang klaseng byenan? #advicepls #pleasehelp

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mo nalang. Mas mdami pa blessing ddating sayo. Ako diko sinabihan ng ganon bahala sila makaramdam. Wala din sila naitulong smin wala nmn permanente trabaho asawa ko shop lang na gupitan. Minsan matumal pa.. sa mama ko din kmi ngyon wala kami maibigay maski piso nakakahiram pa kami sa mama ko pg talagang kulang pambili ng maintenance nya. 120 a day panaman maintenance niya. Ni piso nung panahon din ng pandemic hindi kami tinulungan. Kahit yung kaptid nya na wala pa asawa at ngttrabaho. D pko buntis nun kaya hinayaan ko naman kasi nakakagawa naman ako ng paraan nun online seller kasi ako. Kaso ngayon as in di ako makatulong maintenance at check up kopa. Mag 5months palang kasi..

Magbasa pa