Needs advise

Mga momsh madamot bang matatawag yung sasabihan yung asawa na wag magbigay sa magulang dahil hindi na nya obligasyon magulang nya dahil may anak na sya. 1 yr old na baby namin and ngayun lang nakapagwork ang asawa ko. Dati ako nagwowork at asawa ko nag aalaga sa anak namin. Since pandemic nawalan ako ng trabaho kaya nagpalit na kami ng sitwasyon asawa ko na nagwowork at ako nag aalaga sa anak namin. Kaso etong byenan ko kahit unang sahod palang ng asawa ko hiningan na kagad nya ng pera. Eh nung time na walang wala kami wala man silang nabigay na tulong samen kapag walang milk anak ko sasabihin lang nila wala kasi akong pera kaya buti nalang to the rescue ang family ko. Ang nakakainis lang dito naman na kami nakatira sa bahay ng mama ko at hindi sa bahay ng byenan ko pero kung makahingi sya ng pera every sahod ng asawa ko kala mo sya ang asawa dahil sya pa nangungunang manghingi. Yung asawa ko naman bigay ng bigay. Pero sa family ko na tumulong samen wala man kaming maibigay. Sinabihan ko na din asawa ko na kami ang ipriority nya kaso hindi nya matangggihan nanay nya everytime na manghihingi. Ano ba ang dapat kong gawin? PS. May work pong pareho ang byenan kong babae at lalake. Dalawa lang anak nila asawa ko at hipag ko. Kaso ang hipag ko nag asawa nadin. In short ang pera ng mag asawa sakanila lang napupunta. Tapos hihingi pa sa asawa ko. May ganito ba talagang klaseng byenan? #advicepls #pleasehelp

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Talk to your husband about it. Set long term goals para marealize nya kung saan dapat napupunta ang pera nyo instead na sa magulang. Kasi kung hindi kayo makaipon, makapagpundar, or makapag invest ng something long term, you'll end up like your in laws-- asa sa anak 🙄 Yes, it's nice for someone to give back to their parents once in a while, but it is not an obligation, especially not at the expense of their own financial status and future. 'Wag gawing ATM ang anak.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi naman masama yung paminsan minsan lalo kapag may extra, pero kapag sakto lang sa budget ang income, dapat pag isipan muna, unless it's life or death situation. Kausapin mo nang maayos mister mo, sabihin mo na kung hindi nya kayang tiisin magulang nya, pag aawayan at pag aawayan nyo lang lagi yan. Pwede mo ring hingin na lang sa kanya atm nya at ikaw maghawak pera, para kapag nanghingi byenan mo, sabihin nya lang na nasayo kasi yung pera.

Magbasa pa

kmi ng partner ko nag usap na regarding dito same situatiom sainyo Mamsh, walang work pareho ang parents ko kaya ako padin nag poprovide sknila for me ayos lng tumulong kung kailangan talaga ng tulong like my parents na pareho ng walang work pero sabi mo naman nagtatrabaho naman sila pareho at siguro naman my sarili silanh bahay, ayos lng magbigay ang asawa mo pero wag naman buwan buwan.

Magbasa pa
2y ago

hays ang hirap pag ganyan umaasa sa anak nila, khit alam nilang my pinaglalaanan din tayo., tulad ng mga byenan ko, mababait nman sila kaso ung time na nandun kami nkatira sa knila halos partner ko lahat bumubuhay sa nanay at tatay nya at isang kapatid na bunso,kc nakikitira lng kami, at ang nakakainis pa pakialamera tong kapatid ng partner ko na panganay., kaya nung time na hnd ko na talaga matiis at hnd ko na gusto tabas ng dila ng ate nya, nag decide ako na umuwi dito sa mindanao,sabi ko baka makapatay ako ng kapatid nya🤣 at cnabihan ko cya kung hnd cya sasama smen ng anak nya bahala cya sa buhay nya,tapos buntis pa ako., at ang ayaw ko dun dhil hnd talaga kmi nakakaipon khit anong gawin,khit gaano pa kalaki kitain ng partner ko sa isang araw., kc nadudukot namin palagi dhil cya lang inaasahan., kung baga ay asa sila porket masipag anak nila.,

kausapin mo asawa mo. Hindi naman masama magbigay ng financial na tulong sa mga magulang nya. pero dapat e prioritize rin at e budget income nya lalo na ngayon pandemic pahirapan talaga. kausapin mo sya na kausapin ang parents nya na Hindi iisipin na tinuturuan mo asawa mo na magdamot sa kanila.

tulad nga po ng sabi ni sender.. may work naman po both yung parents ng asawa niya.. at bakit kailangang every sahod yung hingi.. iba na ang gastusin pag may anak na lalo maliit pa... pero walang masama magbigay kung kusang loob naman at hindi kinukulang yung sariling pamilya.

What a toxic mindset of parents to ask money from offspring(s) with families of their own 🤦🏻‍♀️ It shouldn’t be an obligation. I think this only happens in the Philippines? 🤷🏻‍♀️

Wag u magalit ha. Para sa akin Mali ung snabi m sa aswa m n un, kc kapag ung asawa mo naman ang nag Sabi sayo wag ka mag bigay sa mgulang m dahil may anak kna o pamilya anong Mara ramdaman mo

Okay lang magbigay pero yung sapat na hindi kayo kakapusin at dapat kung saan din kayo nakikitira. Tapos paintindi na lang din sa mga byenan mo since may work naman pala sila pareho.

Sabihan mo aswa mo sa hinaing mo. Kung magbbgay siya, sana ung hindi maapektuhan ang budget niyo, dapat asawa n nya priority nya, though wag kalimutan ang magulang

🙂 pag-usapan niyo ng maayos, kasi magulang ng asawa mo yan. pwede naman magbigay momsh pero set limit na lang ganun kasi may baby na rin naman kayo.

4y ago

oo momsh masakit talaga, kausapin mo asawa mo momsh kailangan makapag-umpisa na kayong mag-ipon ipon ganun lalo na ganito pandemic para pag halimbawa may kailanganin kayo hindi kayo mamroblema tapos since may work naman pala pareho parents niya eh baka pwede naman na huwag buwanan or huwag every sahod ang pagbigay sakanila kasi may family na rin kayo.